Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kahit sa trabaho, Paolo laging bitbit ang dyowa

Paolo at Roland

Business with pleasure naman pala ang dahilan kaya ilang araw nang absent sa Eat Bulaga si Paolo Ballesteros.

Business dahil may ginagawa siya na pelikula, ang Amnesia Love kung saan leading lady niya si Yam Concepcion.

Pleasure dahil sa Oriental Mindoro ang shooting ng pelikula at kasama ni Paolo ang mhin na ilang buwan nang nagpapasaya sa kanya, si Roland Ochoa Anog.

Hindi naman inlilihim ni Paolo na magkasama sila ni Roland dahil panay ang post niya sa social media ng mga litrato nila.

Aiai biglang naging in demand uli,  fully booked na ang 2017

Cry me a river si AiAi delas Alas sa victory party kahapon ng Our Mighty Yaya sa Valencia Events Place.

Umiyak si AiAi dahil sa sobrang kaligayahan at higit sa lahat, marami pa rin ang naniniwala sa kakayahan niya bilang Comedy Queen ng Pilipinas.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ang akala kasi ni AiAi, hindi na siya makakabawi mula sa sangkatutak na pagsubok na pinagdaanan niya.

Taos-puso ang pasasalamat ni AiAi kay Mother Lily at sa anak nito na si Roselle Monteverde dahil sa pagtitiwala sa kanya.

Siyempre, hindi lamang si AiAi ang napaluha dahil naging emosyonal din si Mother na maligayang-maligaya dahil box office hit ang Our Mighty Yaya.

Gagawa uli ng pelikula si AiAi sa Regal Entertainment, Inc. at para ito sa Mother’s Day sa 2018.

Gustuhin man ni AiAi na gumawa agad ng pelikula sa Regal, hindi pa puwede dahil fully booked na siya hanggang sa katapusan ng 2017.

May tinatapos na pelikula si AiAi na balak isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017, may bagong television show sila ni Vic Sotto at every Sunday, mapapanood siya sa Sunday PinaSaya. Baka gumawa rin si AiAi ng pelikula sa Star Cinema kaya imposible talaga na magkaroon agad ng follow-up ang Our Mighty Yaya.

Jennylyn laging dumadalaw  kay Dennis

Ipinakilala kagabi ng GMA 7 ang complete cast ng Tagalog adaptation ng My Love From The Star.

Lead stars ng Tinagalog na sikat na Koreanovela si Jennylyn Mercado at ang lucky newcomer na si Gil Cuerva.

Starring din sa My Love from the Star ang a­king inaanak na si Renz Fernandez, Christian Bautista, Jackie Rice, Rhian Ramos, Gabby Eigenmann, at Glydel Mercado.

Marami ang sumali sa ipinatawag na audition ng GMA 7 para gumanap na leading man ni Jennylyn at si Gil ang napili ng selection committee ng Kapuso Network.

Sa May 29 ang airing ng pilot episode ng My Love from the Star na replacement sa Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mali ang akala na mababawasan na ang mga araw ng pagkikita ni Jennylyn at ng kanyang boyfriend na si Dennis Trillo dahil pareho na silang busy sa tapings ng kanilang mga show, ang My Love From The Star at Mulawin vs. Ravena.

May kasabihan na if there’s a will, there’s a way. Kahit abala ang dalawa sa kanilang mga trabaho, nakakaha­nap sila ng oras para magkita.

Noong May 12 ang 36th birthday ni Dennis pero may taping siya para sa Mulawin vs. Ravena pero nakagawa ng paraan si Jennylyn para personal na batiin ang love of her life.

Pinuntahan ni Jennylyn si Dennis sa set ng Mulawin vs. Ravena sa Makati studio at marami ang nakakita sa pagbisita niya sa kanyang boyfriend.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: