^

Pang Movies

Gwapong actor nabuking ng gf na sexy actress na nagpagamit sa bading!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakipaghiwalay sa guwapong boyfriend ang sexy actress dahil nasasakal na raw ito sa pagiging seloso ng mhin.

Iba naman ang hinala sa mga naka­kaalam sa activities ng mhin na aspiring actor din. Ang duda nila, baka nabuking ng sexy actress ang pakikipag-relasyon ng boyfriend niya sa isang gay comedian.

Hindi kagandahan ang co­median pero ge­ne­­rous at ma­runong mag-alaga sa mga naka­karelasyon niya. Isa lamang ang boyfriend ng aktres sa mga good-looking guys na nakatsugihan niya.

Anyway, may iba nang boyfriend ang sexy actress na supportive sa showbiz career nito. Mula sa mayaman na angkan ang dyowa ni sexy actress na maligayang-maligaya dahil understanding at hindi mainitin ang ulo ng kanyang bagong papa.

Bagong putahe nina Drew at Iya hahatulan na!

Iniimbitahan nina Drew Arellano at Iya Villania ang lahat na panoorin ang pilot telecast ngayong umaga ng Season 3 ng kanilang cooking show sa GMA-7, ang Home Foodie.

Mapapanood ang Home Foodie mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Unang Hirit.

Ipinagmalaki ng magdyowa ang mga bagong recipe ang ituturo nila sa viewers ng Home Foodie, sa tulong ng mga pinagpipitagan at mahuhusay na celebrity chefs ng San Miguel Purefoods, sina Rene Ruz, RJ Garcia at Llena Tan-Arenas.

Tamis-tamisan na ulit Gabbi at Ruru nakeri ang relasyon

Kahit mga bagets pa sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, marunong sila na magdala ng kanilang relasyon dahil hindi mahahalata na hiwalay na sila.

Sweet pa rin ang dalawa sa isa’t isa at never na kinumpirma ang tsismis na matagal nang nag-the end ang love affair nila.

Mababawasan na ang madalas na pagkikita nina Ruru at Gabbi dahil sa nalalapit na pagwawakas ng Encantadia. Tuwing Linggo na lamang sila magkakasama sa Sunday PinaSaya, maliban na lang kung pagsasamahin uli sila ng GMA-7 sa isang teleserye.

Hanggang sa Miyerkules ang taping ng cast ng Encantadia dahil sa Biyernes ang last airing ng tele­fantasya na maraming beses na nabigyan ng extension dahil sa mataas na rating.

Kris walang kausap ‘pag umaarte

Malapit nang mag-goodbye sa ere ang Legally Blind ng GMA-7.

Baka ang Impostora ang ipalit sa timeslot ng Legally Blind dahil mukhang magtatagal pa sa TV ang Ika-Anim na Utos, ang afternoon drama ng Kapuso Network na mataas din ang rating.

In fairness, positive ang mga feedback sa teaser ng Impostora kaya may reason para ma-excite si Kris Bernal, ang lead actress ng remake ng dating television series.

Hindi madali para kay Kris ang magbida sa Impostora dahil dalawang karakter ang ginagampanan niya. Mahirap kaya ang umarte na walang kaharap at kausap?

Buntis pa naman Maricar papansin lang daw!

Kawawa naman si Mari­car de Mesa. Buntis na nga, pinagbibintangan pa siya na nagpapakontrobersyal dahil hindi niya sinasabi ang name ng mhin na nakabuntis sa kanya.

I’m sure, nairita lang ang mga nakikitsismis sa mga nangyayari sa buhay ni Maricar dahil nag-post ito ng litrato ng mhin na ama ng kanyang isisilang na anak pero nakatalikod at hindi kita ang mukha.

Kung may mga nang-iintriga kay Maricar, may mga happy dahil natupad ang dream niya na magbuntis na never na nangyari sa matagal na pagsa­sama nila ng kanyang ex-husband, ang basketball player na si Don Allado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with