Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

KC napikon sa pang-iinsulto kay Sen. Kiko!

KC Concepcion at Sen. Kiko Pangilinan

Hindi nakapagpigil si KC Concepcion sa isang basher na tila inin­sulto ang stepfather niyang si Sen. Kiko Pangilinan kaya talagang sinagot niya ito.

Nag-post si KC sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Sen. Kiko at sa kanyang caption ay inilagay niyang “I almost forgot how it feels to simply be a daughter again. Adulting sure gets SO real. Thankful for family. #KCLovesFamily.”

May isang follower na nag-comment ng: “father-daughter? Totoo?”

Sinagot ito ng isang follower at sinabing “Mas totoo naman ang pagmamahal khit di xa ang tunay na dad…okayna??”

Sagot ulit ni follower 1: “ahhh. . .father-daughter kase sabi mo eh. Kala ko kase kaya maganda si KC dahil si Gabby TATAY niya.”

Dito na sumagot si KC:

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Please respect my relationship with my stepdad who raised me since I was 12 AND my papa who I also have a relationship with. There’s no room for negativity here,” sagot ni KC.

Ang sumunod na mga posts ay nag-away-away na mismo ang mga followers at nagkamurahan pa.

Ipinagtanggol kasi si KC ng ibang followers at sagot naman nang sagot itong si follower 1.

Kalurky!

Misis ni Sec. Villar tuloy ang laban sa Lupus

Nakaka-touch ang anak ni former Senator Manny Villar na si DPWH (Department of Public Works and Highways) Secretary Mark Villar dahil binigyan niya ng surprise birthday celebration ang asawang si Diwa Party List Representative Emmeline Aglipay-Villar kahapon sa Annabelle’s Restaurant kasabay ng pagdiriwang ng World Lupus Day.

Si Cong. Emmeline ang founder ng Hope for Lupus Foundation, Inc. na naglalayong magbigay ng inspirasyon sa mga taong may Lupus na katulad niya at magbigay ng awareness sa mga tao tungkol sa sakit na ito.

Ayon kay Sec. Villar, noong Sunday pa raw malungkot ang misis niya dahil hindi natuloy ang mga charitable projects na naka-schedule kaya nag-isip siya ng paraan para naman gumaan ang pakiramdam ng asawa.

“Nung nakita ko na malungkot na malungkot siya, pati ako nalungkot. Kaya immediately, right after that, nag-organize (ako). Kaya pasensiya na po at medyo last minute itong event na ito,” pahayag ni Sec. Villar.

Sa nasabing event ay inimbita rin ni Sec. Villar ang fellow Lupus Warriors ni Cong. Emmeline para naman sama-sama nilang gunitain ang World Lupus Day.

Ibinahagi rin ni Sec. Mark ang birthday wish niya para sa asawa.

“It’s always my wish and my prayer that ‘yung Lupus goes back into remission, sana maging normal ulit ‘yung lupus (patients). I’ve been always praying for that and I love you very much,” ang mensahe ni Sec. Villar sa asawa.

Not just for his wife, wish daw niya sa lahat ng narooong biktima ng lupus na gumaling na ang mga ito.

“And I will do my best to continue supporting this foundation,” sey pa niya.

Isa-isa ring binigyan ni Sec. Villar ng inspirational gifts ang mga Lupus warriors na naroroon so that they can continue to fight on and inspire other people.

Touched na touched naman si Cong. Emmeline sa ginawa ng asawa at hindi niya raw talaga alam na may sorpresa itong inihanda. Ang alam daw niya na pupuntahan niya ay meeting lang.

Na-diagnose ng Lupus si Rep. Emmeline noong 2007, at hanggang nga­yon ay patuloy pa rin siyang nakikipaglaban sa sakit na ito pati na rin ang kanyang Lupus warriors since wala pang gamot sa naturang karamdaman.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: