Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bela may kalalagyan kahit ‘di na artista

Nadagdagan ang happiness ng loveless na si Bela Padilla nang makarating sa kanya ang balita na Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Luck at First Sight, ang unang movie team up nila ni Jericho Rosales.

Malaki ang dahilan kaya maligaya si Bela dahil may kontribusyon ito sa pelikula, siya ang isa sa mga writer ng kuwento ng Luck at First Sight.

May talent si Bela sa pagsusulat ng kuwento at script kaya asahan natin na masusundan pa ang mga project niya bilang writer.

At least, may fallback si Bela kapag hindi nito feel umarte sa TV at pelikula. Anytime na gustuhin niya, puwedeng magkulong sa kanyang kuwarto at harapin ang pagsusulat.

Echo hindi maiwan ang misis!

Kagabi ang premiere ng Luck at First Sight sa SM Megamall Cinema pero naunang nagkaroon ng premiere ang pelikula sa SM City Cinema sa Cebu noong Lunes.

Dumalo sa premiere night ng Luck at First Sight sa Cebu sina Bela, Kim Molina at Issa Pressman.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi kasama sa Cebu premiere si Jericho at sa pagkakaalam ko, noong May 1 ang 3rd wedding anniversary nila ng kanyang misis na si Kim Jones.

Hindi man nakasipot si Jericho sa Cebu, nakarating sa kanya ang balita na aliw na aliw ang mga Cebuano sa pelikula nila ni Bela dahil sa mga eksena na nakakatawa.

Feel good movie ang Luck at First Sight. Kung nagustuhan ng mga kababayan natin sa Cebu ang pelikula, tiyak na magugustuhan din ito ng mga taga-Metro Manila at ng mga hopeless romantic.

Kapatid ni Yassi naging kamukha ni Coleen

Hindi agad nakilala ng mga reporter si Issa Pressman sa mga eksena nito sa Luck at First Sight.

Si Issa ang younger sister ni Yassi Pressman. Mula nang magpapayat si Issa, naging kalokalike na siya nina Coleen Garcia at Jackie Rice.

Napagkamalan si Issa na si Coleen at Jackie sa press preview ng Luck at First Sight noong Lunes. Maganda at malakas raw ang rehistro ni Issa sa wide screen kaya puwedeng-puwede siya na i-repackage bilang sexy actress.

Gov. na bf ni Rachel tinarget noon si Sarah!

Girlfriend pala ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte si Rachel Peters, ang newly-crowned Bb. Pilipinas - Universe. Twenty-two years old pa lang si Migz nang makilala ko siya nang personal noong 2011. Kasama ni Migz ang kanyang ama na si LRay Villafuerte na gobernador pa noon ng Camarines Sur.

Ngayon, si Migz na ang gobernador dahil siya ang naging successor ng tatay niya. Hindi ko malilimutan ang sinabi ni Migz na  crush nito si Sarah Geronimo at gusto niya na maging magkaibigan sila.

Inamin ni Migz na pinadalhan niya si Sarah ng bulaklak noong 2011 dahil sa kagustuhan niya na maging kaibigan ang aking favorite singer/actress.

“Medyo na-link po tayo kay Sarah the past few years dahil ako po’y nagpadala ng bulaklak dahil gusto ko siya maging kaibigan,” ang sey ni Migz.

Alam nating lahat na hindi nauwi sa something special ang friendship kay Sarah na pinangarap ni Migz.

In love na in love si Sarah sa kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli samantalang natagpuan ni Migz kay Rachel ang love na hinahanap niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: