^

Metro

Bangkay ng retired teacher naagnas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Nadiskubre sa condo

MANILA, Philippines -  Dahil sa masangsang na amoy, nadiskubre ang  naaagnas na bangkay ng isang  lalaki  sa loob ng  con­­dominium unit nito sa Malate, Maynila kamakalawa ng umaga.

Sa pamamagitan ng kanyang  identification cards  na nakuha mula sa suot na da-mit ay nakilala ang bangkay ni Olegario Castillo, 77,  na isang retired teacher at re-sidente ng no. 1641 Caton St., Lapaz, Makati City.

Pagmamay-ari rin nito ang isang  unit o room no. 820 ng The Grand Towers Condominium, sa P. Ocampo St., Malate kung  saan nakita ang naaagnas na bangkay.

Hinihinalang may isang linggo nang patay ang biktima.

Sa ulat ni SPO2 Flaviano Gacal ng Manila Police District-Station 9, nadiskubre lamang ang bangkay dakong alas-10:28 ng umaga ng mga security guard ng condo na sina Julio Mark Iglesias at John Mark Minadang.

Nag-aayos umano ng mga fire hose ng condo ang dalawa na nakatalaga rin  upang inspeksiyunin ang buong gusali nang pagsa­pit sa ika-8 palapag ay na­amoy nila ang mabaho at masangsang na amoy at natunton ito sa Unit 820.

Ipinabatid nila ito sa may-ari ng unit at nagtungo doon si Amorcita Castillo, misis ng biktima, retired non-uniformed personnel sa Makati Police.

Nadatnan na nakadapa ang bangkay, nakasuot ng itim na shorts at itim na sando at sa una ay hindi ma­mukhaan ni Arcita ang bangkay ng mister kungdi pa nakakuha ng mga ID sa loob ng bulsa ng shortpants nito.

Ayon pa umano sa misis ng biktima, noong nakalipas na linggo ay nagpaalam ang mister habang sila ay nasa bahay sa Makati City, na magtutungo lamang sa bahay nila sa Cavite at hindi niya akalain na sa condo ito nagpunta.

May sariling susi ng condo ang biktima subalit walang alam ang mga guwardiya ng condo na nasa loob siya ng unit.

vuukle comment

OLEGARIO CASTILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with