^

Probinsiya

Cop, 1 sugatan sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawa-katao kabilang ang 41-anyos na hepe ng Urdaneta City Police Station  ang nasugatan makaraang  maaksidente ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Matic-Matic, bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang opisyal na si P/Supt. Jackie Castro Candelario, deputy police director  ng Pangasinan police office at officer in charge ng Urdaneta City police habang nasugatan din ang sibilyang si  Rica Vinluan, 20. Si Candelario ay nasa maayos ng kalagayan na inoperahan sa Villaflor Doctors Hospital sa Dagupan City matapos na mabalian ng kanang tadyang. Patuloy ding ginagamot si Vinluan sa tinamo nitong sugat sa katawan. Sa ulat ng Pangasinan police na naisumite sa Camp Crame, bandang alas-4:26 ng madaling araw nang maaksidente ang Toyota Vios (AAS 9726) na minamaneho ni P/Supt. Candelario. Ang nasabing sasakyan ay patungo sa kanlurang direksyon nang maaksidente ito pagsapit sa nasabing lugar  matapos na bumangga sa malaking punong mangga sa tabi ng highway. Pinaniniwalaang nakaidlip ang driver ng kotse kaya naganap ang sakuna.

vuukle comment

RICA VINLUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with