^

Probinsiya

Lolo inutas dahil sa sermon

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  -  Patay ang 69-anyos na lolo na sinasabing sinermonan pa ang kanyang nakababatang kapatid matapos itong pagtatagain ng nairitang kapitbahay sa Barangay Gangao sa bayan ng Baleno, Masbate kamakalawa ng gabi. Duguang bumulagta ang biktimang si Renato Bigornia na nagtamo ng malalim na sugat sa likuran ng kanyang ulo, leeg at braso habang arestado naman ang suspek na si Adolfo Germina Jr., 30, ng nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, pinangaralan ng biktima ang kanyang kapatid na si Jaime subalit nairita ang suspek kaya kumuha ito ng tabak sa kanilang bahay saka pinagtataga ang nakatalikod na biktima. Tinangka pang isugod sa Masbate Provincial Hospital ang biktima pero dineklarang patay. Sa imbestigasyon, sinabi ng suspek na inakala niyang siya ang pinangangaralan at pinagagalitan ng biktima kaya nag-init ang kanyang ulo at isinagawa ang krimen.

vuukle comment

ADOLFO GERMINA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with