^

PSN Palaro

Ika-4 na sunod tinuhog ng Star

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang araw bago ang kanilang laban ay wala pang masyadong alam si Star coach Chito Victolero sa bagong import ng Mahindra na si Keith Wright.

“Wala kaming idea sa import nila. We know he’s a good post player,” sabi ni Victolero sa 6-foot-8 at 240-pounder na si Wright. “Medyo suwerte kami doon dahil may jetlag pa ‘yung import nila.”

Gamit ang kanilang matibay na depensa, pinabagsak ng Hotshots ang Flood­buster, 97-83 para makisos­yo sa liderato ng 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Star, na­kahugot kay import Tony Mitchell ng 19 points, 14 rebounds at 6 shotblocks, para makatabla ang Alaska sa pangunguna sa torneo.

Nag-ambag si Jio Ja­la­lon ng 14 markers kasunod ang 12 at tig-11 points nina Aldrech Ramos, Lee, PJ Simon at Mark Barroca, ayon sa pagkakasunod.

Tumapos naman si Wright, pumalit kay James White, na may 17 points para sa pang-apat na kamalasan ng Mahindra sa limang laban.

Mula sa 22-18 abante sa first period ay pinalaki ng Hotshots ang kanilang kalamangan sa 61-40 sa 5:58 minuto ng third quarter bago nakalapit ang Floodbuster sa 77-90 agwat mula sa basket ni Reden Celda  sa huling dalawang minuto nito.

Ang split ni Mitchell at fastbreak layup ni Jalalon ang muling naglayo sa Star sa 93-77 bentahe sa natitirang 1:29 minuto ng laro para iwanan ang Mahindra.

“We learned a lot from our mistakes last game,” wika ni Victolero. “We pla­yed pressure defense and had good communication on both ends.”

Binanderahan ni Alex Mallari ang Floodbuster mula sa kanyang game-high na 24 points, habang may tig-9 markers sina Celda at Philip Paniamogan.

Star 97 - Mitchell 19, Jalalon 14, Ramos 12, Simon 11, Lee 11, Barroca 11, Maliksi 9, Sangalang 4, Reavis 4, Brondial 2, Dela Rosa 0, Mendoza 0.

Mahindra 83 - Mallari 24, Wright 17, Paniamogan 9, Celda 9, Ballesteros 7, David 5, Revilla 4, Elorde 3, Galanza 3, Guevarra 2, Caperal 0, Deutchman 0, Yee 0, Salva 0.

Quarterscores: 22-18; 43-30; 70-53; 97-83.

 

vuukle comment

KEITH WRIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with