^

Metro

Holdaper sa bus, dedo sa parak

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isa sa tatlong holdaper na nang holdap sa isang pampasaherong bus ang nabaril at napatay ng isang tauhan ng pulisya sa lungsod ng Quezon, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawing sus­pect na si Eduardo Gimen­teza na armado ng .38 caliber revolver at nagpaputok pa ng warning shot matapos magdeklara ng holdap.

Naganap ang insidente alas-2:15 ng madaling araw habang ang Diamond Star bus at tumatahak sa may EDSA sa harap ng Nepa Q-Mart sa Brgy. Kamuning. Tiyempo naman na pasahero sa bus si PO2 Joselito Lantano, 44, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG) na nakaupo sa may harapang bahagi ng bus.

Sinabi pa ng pulis na itinutok sa kanya ng nasawing suspect ang baril kaya agad na rin siyang bumunot ng kanyang service firearm at ipinutok dito na naging dahi­lan ng kamatayan.

Dalawa pang kasamahan ng suspect ang nadakip at nakilala ang mga ito na sina  Mark Lee Mahinay, 27 at James Medrona, 32.

Samantala,  dalawa pang holdaper ang nabaril at napatay ng mga awtoridad kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Piñayahan sa lungsod.

Nabatid na ang mga hindi pa nakikilalang suspects ay namataan ng mga awtoridad  habang nagnanakaw sa UniOil Gasoiline Station sa may V. Luna road. Imbes na sumuko ay pinaputukan ng mga ito ang mga awtoridad na gumanti naman ng putok na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Nasamsam sa mga ito ang isang .38 cal. rev.  at .45 cal. pistol.

vuukle comment

EDUARDO GIMEN­TEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with