^

Metro

Shootout: ‘Tulak’ utas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isa sa mga riding in tandem na ‘tulak’ ng droga matapos itong maki­pagbarilan sa mga pulis habang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspect, na kaagad na nasawi sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa hepe ng Para­ñaque City Police na si Police Sr. Supt. Jemar D. Mode­quillo, naganap ang insidente alas-12:30 kahapon ng madaling araw sa Sunrise Drive, Brgy. San Antonio ng natu­rang siyudad.

Nabatid kay Modequillo, na habang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang kanyang mga tauhan ay namataan ng mga ito ang  mga suspect na magkaangkas sa isang motorsiklo na kapwa walang suot na helmet.

Dahilan upang sitahin ang mga ito ng mga pulis, su­balit pinaharurot ng mga suspect ang kanilang kung saan hina­bol sila ng mga pulis hanggang sa sumemplang ang mga suspect.

Nakipagbarilan ang mga suspect sa mga pulis na tumutugis sa kanila, na nagresulta ng agarang kamatayan ng isa sa mga ito habang mabilis namang nakatakas ang isa sa mga ito. Nakarekober  sa bangkay­ ng suspect ang 22 plastic sachet na naglalaman ng pina­tuyong dahon ng marijuana at isang kalibre .38 revolver.

vuukle comment

OPLAN SITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with