^

Metro

38 immigration officers nagbitiw na, 200 pa aalis na rin!

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mahigit sa 38 empleyado ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ang nagbitiw na sa kanilang tungkulin habang may 200 pang immigration  officers ang humingi na ng ‘certification of employment’ para makalipat na sa mga papasukan nilang mga trabaho.

Sinabi ni Marc Red Marinas, ginagawan nila ng pa­raan na huwag mabalam ang mga parating at paalis na pa­sahero sa mga international terminals sa NAIA dahil sa kakulangan ng mga immigration officers na magtatatak ng immigration clearance sa kanilang mga passports.

Ayon kay Marinas, simula sa Sabado, itatalaga na rin sa mga NAIA terminals ang mga head at mga deputy supervisors, at ibang pang opisyal ng BI sa NAIA para tumulong sa flight operation dito.

Nabatid na malaking bilang na rin ng  mga immigra­tion officers ang umaalis sa paliparan dahil hindi na nababayaran ang kanilang overtime allowance simula pa noong Enero kaya naman­ ang iba sa mga ito ay uma­angal na rin dahil sa liit ng kanilang sinasahod.

Sinabi ni Marinas, na hindi rin dapat mangamba ang mga pasahero na maapektuhan ang seguridad na kanilang gi­nagawa sa paliparan para masala ang mga kaduda-dudang mga pasahero na aalis at darating sa NAIA.

Kamakailan, ay nagkaroon ng matinding aberya sa NAIA dahil humaba ang pila ng mga dumating na pasahero galing abroad dahil iilan lamang ang mga immigration officers ang nag-duty para magtrabaho.

‘Hindi naman dapat binigla ng DBM ang hindi pagbibigay ng allowance sa mga immigration dapat aniyang ina­ayos muna ang batas para maitaas ang mga sahod nito bago ipinahinto ang OT allo­wance nila.’ sabi ng isang airport source.

Sinabi sa ulat, mahigit lamang sa P13,000 kada bu­wan ang tinatanggap na sahod ng mga immigration officers kaya naman dahil sa liit nito ay nag-isip na ang iba sa kanila na lumipat ng trabaho at magbitiw na lamang sa kanilang tungkulin.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with