^

Metro

Grade 6 pupil lasog sa truck

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang grade 6 pupil ang nasawi habang nasa ma­lub­ha namang kalagayan ang dalawang kasama nito matapos silang salpukin  ng isang truck habang magkakaangkas sa  bisikleta, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Connery Baldemor, 12. Ginagamot naman sa Philippine Orthopedic Center  ang mga kasama nitong sina Joseph Dacoba, 11, grade 5 at Diverson Road,  9, grade 4, pawang residente ng 9th Street, 7th Avenue, Brgy. 103 ng naturang siyudad.

Nasa custody naman ng Caloocan City Police Traffic  Bureau ang driver ng Isuzu Elf truck (WPM-292) na si Flordilito Dacoro, 46,  ng Valenzuela City  na nahaharap  sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Chester Alan Racelis, naganap ang insidente alas-10:30 ng umaga sa kahabaan ng 8th Avenue Extension ng naturang siyudad.

Minamaneho ni Dacoro ang isang truck habang nagbibisekleta naman sa naturang lugar ang mga biktima.

Nang tangkain ng mga biktima na mag-overtake hanggang sa sumabit sila sa gilid ng truck.

Hindi na nakontrol ng mga biktima ang preno ng kanilang bisekleta  hanggang sa bumagsak ang mga ito sa gilid na bahagi ng truck na naging dahilan upang magulungan si Baldemor habang mabilis namang isinugod sa naturang pagamutan sina Dacoba at Roa.  

 

vuukle comment

GRADE 6

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with