^

Probinsiya

Hepe ng Highway Patrol Group, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng Highway Patrol Group, itinumba
Base sa police report na nakarating kay Mt. Province police director P/Senior Supt Tellio Ngis-o, kinumpronta pa ng biktimang si P/Chief Insp. Benjamin Challoy ang tatlong lalaki subalit naunahan siyang ratratin ng mga ito.
File Photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ng mga hindi kilalang kalala­kihan ang 40-anyos na bete­ranong hepe ng Mountain Province Highway Patrol Group matapos itong ratratin sa harapan ng kanyang bahay sa Sitio Eyeb, Barangay Poblacion sa nasabing lalawigan noong Linggo ng gabi. ?

Base sa police report na nakarating kay Mt. Province police director P/Senior Supt Tellio Ngis-o, kinumpronta pa ng biktimang si P/Chief Insp. Benjamin Challoy ang tatlong lalaki subalit naunahan siyang ratratin ng mga ito.

Naisugod pa sa Bontoc Provincial Hospital subalit idineklarang patay si Challoy.

Anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol ang narekober ng mga imbestigador sa crime scene. ?

Nabatid na kararating lamang ni Challoy sa bahay mula sa pagbisita sa kanyang pamilya sa Baguio City nang maganap ang krimen dakong alas-10 ng gabi. ?

Sinabi ni P/Supt. Joma­rick Felina na sinisilip ng mga imbestigador ang motibo sa trabaho ng biktima na dati ring hepe ng pulisya sa Bontoc.

Nabatid na naglipana ang mga sparrow unit ng NPA na umano’y umaaligid sa nasabing lugar bago naganap ang pamamaslang.

 

vuukle comment

HIGHWAY PATROL GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with