^

Pang Movies

John Lloyd sanay na raw sa bakla

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dapat ay mag-move on na si Angelica Panganiban lalo na ngayong wala na yatang pag-asang magkabalikan pa sila ni John Lloyd Cruz. Hanggang kaibigan na lang daw ang turi­ngan nila. Well, sa rami ng naggagandahang babaeng nakapareha na ni John Lloyd ay tila yata planong ibahin naman ang artistang makakasama niya sa movie next year.

Yes, dahil sa isang beki naman siya itatambal. Balitang gagawa raw kasi sila ni Vice Ganda ng peikula.

Ang suwerte ni Vice dahil pagkatapos kay Coco ay si John Lloyd naman ang kanyang makakaeksena. Pawang sinasamba ng mga kababaihan ang mga nagiging leading man ni Vice ha.

Hindi kaya siya (John Lloyd) mailang sa mga kaeklayan ni Vice? May mga komento na hindi na marahil maninibago si John Lloyd dahil noong magtambal sila ni Luis Manzano ay magsyota pa ang role nilang dalawa. Seryosong kabaklaan ang tema ng movie nila noon unlike ngayon na may halong kalokohan.

AlDub wala nang puwang sa tanghali?!

Tsugi na talaga ang kalyeserye na dating kinahuhumalingan ng mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza. Totoong bawat simula ay may katapusan. Sino bang makakapagsabing hindi ito matitigok dahil grabe ito kung subaybayan ng mga tagahanga.

Wala na rin kasing bago sa istorya at tila paulit-ulit na lang.

Nakakasawa na rin ang kilig-kiligan nila na wala namang napupuntahan. Mabuti pa nga si Paolo Ballesteros na isa sa mga lola ng AlDub ay natulu­ngan ang sarili na mabigyan ng break.

Natalbugan niya na sina Jose Ma­nalo at Wally Bayola.

Sabagay, sa Eat Bulaga kapag gustong tsugihin ay walang makakapigil kesehodang mataas ang rating.

Hindi nga ba noong araw ay super taas din ang rating ng Daisy Siete starring the Sexbomb Girls pero tinuldukang bigla kaya super lungkot noon ni Joy Cancio.                          

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with