Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dayanara Torres tuloy ang pagbabalik-’Pinas, mag-aartista na uli

Tiyak na, Salve A., ang pagdalo ng 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres, para mapabilang sa mga special guest ng itatanghal na Miss Universe 2017 contest sa January next year dito sa ating bansa.

And if plans do not miscarry, mananatili raw siya sa ‘Pinas pagkatapos ng pageant para i-resume ang kanyang showbiz career. At kung hindi kami nagkakamali, ang asawa ni Gary V. na si Angeli Pangi­linan-Valenciano ang kanyang magiging talent manager.

Familiar pa rin, lalo’t sa mga local fans si Dayanara dahil naging mainstay din siya noon ng programang ASAP. Napanood din siya sa dalawang pelikula, ang Basta’t Kasama Kita with Aga Muhlach at Hataw Na kasama si Gary V.

Kasal si Dayanara sa kapwa Puerto Rican na si Mark Anthony na kilala rin bilang Dance Salza King, pero matagal na silang hiwalay ng dating asawa na hiwalay na rin sa international singer na si Jennifer Lopez.

Dalawa ang anak nilang lalaki na sina Ryan Adrian at Cristian Marcus.

Rez malapit nang maging lolo

In a few months, magiging opisyal na lolo na si Rez Cortez, na gabi-gabi ay napapanood natin na pumapapel bilang kontrabida ni Coco Martin sa top series na FPJ: Ang Probinsyano.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Manganganak na kasi ang nag-iisang daughter nina Rez at ng asawang si Candy na si Cai Cortez.

Kinasal si Cai sa foreigner na si Wissem Rkhami noong August this year.

Huling napanood si Cai sa series na Tubig at Langis na pinagbidahan nina Zanjoe Marudo, Isabelle Daza at Cristine Reyes.

Martin hinarana si Pops sa 50th birthday

How nice naman for Martin Nievera na talagang hinanapan ng oras ang pag-attend sa birthday party ng dating asawang si Pops Fernandez kahit busy ang kanyang schedule.

Pops turned exactly 50 years old last December 12.

Balitang inawitan pa ni Martin si Pops ng ilan nilang paboritong awitin noong sila pa.

Dalawa ang anak nina Martin at Pops na parehong binata na, sina Robin at Ram.

Nali-link sa kasalukuyan si Robin sa anak nina Zsa Zsa Padilla and the late Dolphy na si Zia.

Kumakanta rin si Zia gaya ng kanyang kapatid na si Karylle at ng kanyang ina.

Daryl sinuwerte kina Jericho at Maja

Speaking of singers, pagkatapos pala siyang napili para umawit ng theme song ng series na Bridges of Love na Ikaw na Nga nagsimulang sumikat si Daryl Ong.

Sumali sa isang singing show ng ABS-CBN si Daryl pero hindi siya pinalad.

Ang Bridges of Love ay pinagbidahan nina Jericho Rosales, Maja Salvador at Paolo Avelino. Nominated ito sa best series category ng katatapos na International Emmy Awards for TV, na gina­nap sa New York. Ayon sa mga report ng Star Re­cords, where Daryl is now under contract to, best-seller daw ang album nito.

Regalo ni Luis kay Jessy, kaabang-abang!

Wow, Salve A., first Christmas together ng nga­yon ay official nang mag-sweethearts na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Saan kaya iti-treat ni Luis si Jessy?

But one thing is sure, Luis will take time to visit her mom, Lipa City Representative Vilma Santos-Recto, on this special day.

Now, kung kasama niya si Jessy sa pagdalaw sa ina at stepdad na si Senator Ralph Recto and of course sa younger brother na Ryan Christian, iyan ang dapat nating hintayin.

Well.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: