^

Pang Movies

Dennis nagmamakaawang makita ang mga anak sa Pasko

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natuwa si Dennis Padilla nang makatanggap siya ng invitation mula sa anak niyang si Julia Barretto para manood ng kanyang pelikula sa Metro Manila Film Festival na Vince & Kath & James.

First time raw na magku-comedy si Julia at gusto niyang makuha ang comments at opinions ng kanyang amang komedyante.

“Kahit naman hindi ako imbitahan sa premiere night, panonoorin ko pa rin ang movie niya. Siyempre, anak ko ‘yan at talagang nanonood ako ng mga MMFF entries,” ngiti pa ni Dennis.

Dapat pala ay kasama si Dennis sa Vince & Kath & James. Pero nagkaroon ng conflict sa taping schedules niya para sa GMA teleserye na Alyas Robin Hood.

“Hindi nag-swak ang schedule ko with Alyas Robin Hood sa binigay nilang shooting days.

“Nakiusap ako na baka puwede sa ibang days. Pero nira-rush na raw nila ang movie kasi para sa MMFF.

“Sayang kasi first time sana na magkasama kaming mag-ama sa movie.

“Noong tumawag ako kay Julia at tinanong ko kung puwede pa ako mag-shoot for the movie, natapos na raw. Gano’n sila kabilis gumawa ng movie pala ngayon.”

Christmas wish pala ni Dennis ay ang makasama ang kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.

Higit sa dalawang taon na raw niyang hindi nakikita sina Claudia at Leon. Si Julia naman daw ay kelan lang daw niya nakita’t nakausap.

“Gusto ko kasing ma-meet nila ang bagong baby ko.

“Kakapanganak lang ng misis kong si Linda (Gorton) sa second baby namin last November 30. Baby girl ito na pinangalanan naming Mary Madeline or Baby Mady.

“Noong aksidenteng nagkita kami ni Julia sa gym, sabi ko sa kanya na sana bago mag-Pasko ay magkita-kita kami ng mga kapatid niya para makasama naman sila ng dalawa ko pang anak.

“Yung panganay ko kay Linda na si Gavin, 4-years old na. Lagi niyang tinatanong sa akin kung kelan papasyal ang mga ate niya at ang kuya niya sa bahay?

“Na-meet naman na nila Julia, Claudia at Leon si Gavin, pero 2-years old lang siya noon. Pero alam niyang mga kapatid niya sila kasi may mga pictures ako ng tatlo sa bahay.”

Kaya sana raw ay mapagbigyan naman ang hiling niya ngayong Pasko at walang humarang sa pagdalaw ng mga bata sa kanya.

“Nakakalungkot na hindi kami naging friends ng mother nila. But everyone knows I did my best to be a good father to them. Hindi ako nagkulang.

“Kahit itong hiling ko lang na makasama ko ang tatlo kong anak ang ibigay sa akin,” pagtapos pa ni Dennis Padilla.

Ronnie Alonte pinagmamalaki ang nota!

Itinanggi ng Hashtag member na si Ronnie Alonte na siya ang lalake sa kumakalat ngayon na sex video scandal sa social media.

Ayon kay Ronnie, nagulat daw siya nang may magsabi sa kanya na may video scandal daw siya. Pero noong makita niya ito, natawa lang siya dahil alam niyang hindi siya iyon.

“Mas malaki po nota ko!” sabay tawa niya.

“Tsaka mas batak po ang abs ko kesa doon sa lalakeng nasa video.

“Noong una kasi picture lang ang nilabas nila. Tapos biglang may video. Hindi po ako ‘yun pareho,” diin pa niya.

Inamin ni Ronnie na may hawig sa kanya ang lalakeng na unang lumabas sa photo.

Pero maraming netizens ang nagsabi na photoshopped lang ‘yung photo dahil kinuha lang ang ulo ni Ronnie sa isang photo nito at dinikit sa katawan ng sinong lalake na may nude photo.

Hindi natutuwa si Ronnie sa ginawang ito sa kanya dahil tahimik lang daw siyang nagtatrabaho. Ngayong December 25, dalawa ang pelikula niya sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang Seklusyon ng Reality Entertainment at Vince & Kath & James ng Star Cinema.

Pakiramdam ni Ronnie na may nanadyang ilabas ang mga paninirang iyon sa kanya dahil may two movies siya sa MMFF.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with