^

Pang Movies

Seklusyon may hubaran at sex!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sinabi ng actor na si Dominic Roque na naniniwala siyang wala namang magiging problema o objections ang simbahang Katoliko sa kanilang pelikulang Seklusyon. May mga nagtatanong nga kasi dahil ang kuwento raw niyan ay tungkol sa karanasan ng apat na diyakono, mga naghihintay na maging lubusang pari na ipinadala sa seklusyon at nakaranas ng kung anu-anong bagay.

“Fiction naman po ang istorya. Pelikula lang ito. Wala naman kaming hangarin na makasira sa simbahan in the first place, lahat kaming apat na artista rito ay Katoliko. Maging ang director na­ming si Erik Matti ay Katoliko rin naman, at alam namin kung ano ang makakasira o hindi papayagan ng simbahan,” sabi ni Dominic.

Inamin din naman niyang siya ang involved sa sinasabing kontrobersiyal na eksena sa pelikula na ipapalabas lamang sa international version, “kasi dito ang hinahabol namin ay iyong PG ratings ng MTRCB at hindi nila papayagan iyon”, sabi pa niya.

Ayaw sabihin ni Dominic kung anong eksena iyon, pero lumalabas na parang sa kanyang pagtulog ay nasaniban siya ng masamang damdamin at nakipag-sex. Inamin din niyang hubad siya sa eksena.

“Hindi na rin naman bago iyon. Hindi pa ako nakagawa ng ganoong eksena before pero lumabas na rin naman ako sa mga underwear shows ng Bench. Hindi nga lang totally naked pero ano ba ang kaibahan noon? Ginawa lang mas intense ang kuwento para sa international market, pero hindi iyon ilalabas dito sa atin. I don’t mind kung ilabas man iyon, at may possibility na payagan din naman iyon later ng MTRCB, pero hindi sa festival. Kasi alam namin kung ano ang usual market ng festival at gusto nga namin ay maging PG rating ang a­ming pelikula. One thing more, iningatan nang husto ni Direk Erik ang eksenang iyon, at kahit ako, noong mapanood ko nang buo at walang cuts, wala akong nakitang eksena na naging bastos,” sabi pa ni Dominic.

Ronnie duwag sa multo

Inamin din ng kontrobersiyal na baguhang si Ronnie Alonte na mas malaki ang kanyang role at mas excited siya sa Seklusyon kaysa sa isa pa niyang ginawang pelikula. Inamin din niyang iba ang kanyang experience sa pelikulang iyon. “Hindi lahat ng artista nakukuha sa pelikula ni Direk Erik.” sabi niya.

Natatawa ring sinabi niya na ang totoo kasi, talagang takot siya sa multo, at maraming multo sa kanilang pelikula. Hindi naman daw siya natakot sa mga lumabas na multo, dahil alam niya tao lang din naman ang mga iyon, pero ang kinatakutan niya ay iyong sinasabing mga lumalabas na multo sa lugar kung saan nag-shooting ang kanilang pelikula.

Iyon namang isa pang baguhan, si JR Versales, na isang professional model sa Cebu at ngayon lang gumawa ng pelikula, nagsabi rin namang hindi indie iyong kanilang pelikula.

“Kasi ang nalaman ko, matagal na ginawa ang pelikulang ito. Mahaba ang kanilang pre-production work. Tatlong beses nga raw sila nagpalit ng script ng pelikula. Tapos ang totoo malaki ang gastos nila sa pelikula. Siguro ang ginastos Siguro mas tamang tawagin itong experimental cinema,” sabi ng baguhang si JR.

Sa nakita namin, mukha ngang matindi ang dating niyang Seklusyon at sinasabi nga naming isa iyan sa dalawang pelikula lamang na panonoorin namin sa MMFF.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with