^

Pang Movies

Sagot sa mga dismayado sa appointment ng aktor, Cesar handa na raw i-promote ang Pilipinas!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sagot sa mga dismayado sa appointment ng aktor, Cesar handa na raw i-promote ang Pilipinas!

Cesar

Wala nang makakapigil sa pag-upo ng actor na si Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board (TPB) matapos siyang i-appoint ni President Duterte kahit pa may ilang kontra siyempre sa pagkaka-appoint niya na mangunguna sa pagpo-promote ng mga tourism ng bansa.

“Hindi naman po mag-a-appoint ang Presidente kung wala pong nakikitang competence sa isang tao.

“Probably nakita niya po, probably, we could be able to promote the entire country,” sagot ni Cesar sa news program na 24 Oras the other night.

Tourism Undersecretary umano ang  position na ibibigay sa actor pero nagkaroon nga raw ng changes at itinalaga ito sa mas malaking responsibility ayon sa isang nagkuwento.

 Ang hinihintay ngayong i-appoint ng presidente ay si Phillip Salvador na kilalang malapit sa pangulo at matagal nang nababalitang bibigyan ng posisyon sa pamahalaan na konektado sa showbiz pero wala pang linaw kung kelan at ano ang mapupunta sa actor.

Kita ng aktres, kinakaltas ng manager ang kalahati

Kawawa naman ang isang aktres kung true na kalahati ng talent fee niya ay napupunta lang sa kanyang manager.

Yup, malaki raw than usual na commission ang napupunta sa manager ng aktres na ito na parang makina ngayon kung kuma­yod.

Kung sabagay nagmula naman talaga siya sa wala at malaki ang nagawa ng kanyang manager para bumongga ang career ni aktres.

Ganunpaman parang hindi makatarungan na kalahati nang kinikita niya ang napupunta lang sa commission. Nakakaipon pa kaya si aktres?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with