Luis di nakapalag sa nagliliyab na love scene nina Enchong at Jessy!
Nagbabaga ang love scene nina Enchong Dee at Jessy Mendiola sa Mano Po 7: Chinoy.
Umapir si Luis Manzano sa premiere night ng Mano Po 7 bilang suporta kay Jessy kaya type malaman ng madlang-bayan ang naging pakiramdam niya sa pakikipaghalikan kay Enchong ng kanyang girlfriend.
Nakaramdam ba si Luis ng pagseselos o dedma lang siya dahil alam niya na professional actors sina Enchong at Jessy?
Ang audience ang nag-react sa halikan portion nina Enchong at Jessy dahil nagtilian sila habang pinapanood ang sizzling love scene.
Mapagkakamalang Koreano!
Marami ang nag-ambisyon na makuha ang role ni Matteo Do pero ang model na si Gil Cuerva ang final choice ng screening committee ng GMA 7.
Si Gil ang leading man ni Jennylyn Mercado sa Tagalog adaptation ng My Love From The Star at kahit may dugong Kastila siya, mapagkakamalang na Koreano ang aspiring chinito actor.
Nagustuhan din ng screening committee ang isang Filipino-American model na lumaki sa New York pero sagabal ang pagsasalita niya dahil hindi siya fluent sa Filipino language kaya nakuha ni Gil ang much coveted role.
Poser ko sa FB tuloy ang panloloko, attention administrator!
Active pa rin ang poser ko sa Facebook kaya marami siya na nalilinlang na artista.
Kapag nakausap ko si Christopher de Leon, sasabihin ko sa kanya na wala akong Facebook account dahil may nag-report sa akin na FB friends kami ni Boyet at nagkomento siya sa FB post ko.
Paulit-ulit ko nang inirereklamo na may gumagamit sa pangalan ko sa social media pero walang ginagawang aksyon ang mgaadministrator nila.
Wish ko lang, tulungan ako ng concerned citizens na i-report sa administrators ng Facebook at Twitter ang mga poser na gumagamit sa pangalan ko. Malinaw na pangloloko sa kapwa ang ginagawa nila ‘no!
Ate Vi isa raw sa mga juror ng MMFF 2016
How true na kabilang ang Star for All Seasons at Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto sa mga juror ng 2016 Metro Manila Film Festival?
Si Noel Ferrer ang nagbigay ng update at ng clue tungkol sa mga maghuhusga sa mga pelikula at akting ng mga artista na kasali sa MMFF 2016. Ito ang news ni Noel:
“Isang bagong development ay ang pagkakaroon ng dalawang foreign jury sa ating MMFF.
“Paolo Bertolin who is the Programmer of the Venice International Film Festival at si Philip Cheah of Singapore will sit as part of the jury.
“Not only that, a multi-awarded actress na never pang nag-judge ng anumang filmfest ay pumayag gawin ito for the first time!
“Bago pa man maging kontrobersyal ang pag-upo niya bilang juror ay nagtitiwala tayo sa kanyang kredibilidad, integridad at ‘di na matatawaran ang malasakit niya sa ating industriya. Who could it Vi?”
Kung totoo na may participation si Mama Vi sa MMFF 2016, tiyak na magdadagdag siya ng kredibilidad sa filmfest na hindi nawawalan ng mga intriga at kontrobersya.
Walang puwedeng kumuwestyon sa credibility at integrity ni Ate Vi dahil mahirap nang mapantayan ang achievements niya sa Philippine entertainment industry at sa public service!
- Latest