^

Pang Movies

Dennis dapat nang kabahan, Jennylyn malakas ang chemistry sa bagong lalaki

- Vinia Vivar - Pang-masa

Last Friday sa 24 Oras ay ipinakilala na sa unang pagkakataon ang leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy version ng My Love from the Stars na si Gil Cuerva.

Sa unang tingin ay mukhang Korean actor si Gil, ang ganda ng height (5’11”), pati na ng tindig na hindi naman kataka-taka dahil nga modelo siya. Nang makita namin siya that moment, hindi na kami nagtaka na napili siya bilang Matteo Do dahil bagay nga sa kanya ang role.

Sabay na in-interview ni Iya Villania sina Jen at Gil at nakita na agad ang sampol ng kanilang chemistry habang magkatabi.

Sa nasabing panayam ay ikinuwento ng 20-year-old Fil-Spanish international mo­del kung paano siya nag-audition sa serye.

“Nasa Hong Kong po ako no’n when I received the e-mail from my management to audition for this role and nagkataon, I was really going to come back, kasi I was gonna fix some papers for school at saka my visa.

“Pupunta dapat akong Thailand. Eh sabi ko, might as well audition, malay mo makuha ako and you know, lo and behold, nakuha ako,” kwento ni Gil na mukha ring Korean actor, sa totoo lang.

Wala pang acting experience si Gil at ang nasabing serye ang kauna-unahan niyang acting job pati na ang pagsabak sa showbiz. Pero nakakatuwa na hindi namin kinakitaan ang binata ng nerbyos habang iniinterbyu at mukhang hindi baguhan kung sumagot sa mga tanong.

Excited na rin si Jen at sana raw ay magustuhan ng mga fans ang bagong tambalan nila ni Gil. Sinisigurado ng Ultimate Star na kikiligin daw ang lahat sa mga eksena nila ng leading man.

Sa ngayon ay wala pang inaanunsyong iba pang kasama sa serye maliban kay Jen, Gil and of course, the director, BB. Joyce Bernal.

Dominic nagpakita ng puwet sa MMFF movie

Hindi naman na-insecure si Dominic Roque na mas bida pa sa kanya si Ronnie Alonte sa pelikulang Seklusyon gayung mas nauna naman siya rito na mag-artista at mas may pangalan pa.

“Okay lang naman, kasi nun’g in-offer naman sa amin ito, parang may sari-sarili naman kaming gagawin,” paliwanag ni Dominic nang makatsikahan namin sa presscon ng nasabing Erik Matti film at official entry to the 42nd Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25.

Kung tutuusin ay isa rin naman sa bida si Dominic along with Ronnie, John Vic de Guzman and JR Versales.

Sa umpisa pa lang naman daw ay alam niyang mas angat ang role ni Ronnie.

 “Actually, kung mapapanood n’yo po siguro next year ‘yung international copy, ‘yung isa sa highlights naman talaga ng movie is ‘yung eksenang ginawa ko talaga. Kahit sa akin, ‘yun po yata ‘yung pinakamalala na nagawa ko sa pag-arte,” pahayag ni Dominic.

Ang sinasabing highlight ng young actor ay ang pagpapakita niya ng pwet na first time niyang ginawa pero mukhang mapuputol pa ito sa local version kung sakaling hindi maaprubahan ng MTRCB.

Kung sakaling hindi naman maaprubahan ay sa international version daw makikita ang nasabing maselang eksena.

“At may iba pang ginawa sa pelikula na feeling namin ay magiging kontrobersyal. May love scene akong ginawa, parang love scene, pero matindi pang ano,” he said.

Okay na ba sa kanya kung malilinya siya sa paggawa ng daring roles?

“Hindi lang po siguro ako do’n magpo-focus sa magpa-sexy nang magpa-sexy. Eto, first time lang naman pong gagawin. Subuk-subok lang naman po ng mga gagawin at ire-review namin nang mabuti ang mga character at mga eksenang ibibigay.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with