^

Pang Movies

Marian tuloy pa rin ang pagpapa-suso kay Zia

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Laging naghahanap ng ookrayin ang ba­shers. Na-bash na si Marian Rivera-Dantes nang i-post ni AiAi delas Alas sa kanyang Instagram account ang photo habang bini-breast feed niya ang anak na si Zia sa isa birthday party. 

May iba pang nang-bash sa ginawa ni Marian pero ipinagtanggol na rin siya ng DongYan fans, kaya tumigil na rin ang bashers.

Natatandaan naming nag-post din si Marian noong nasa Los Angeles, California sila ni Ding­dong Dantes for a GMA Pinoy TV show na habang naglalakad sila sa kalye ay bini-breastfeed ni Marian si Baby Z pero mayroon nga siyang takip na breastfeeding infinity scarf. Basta talaga kay Baby Zia, walang hindi gagawin si Marian, lalo na kung oras na para i-breastfeed ang anak.

Kahit ngayong one year old na si Zia, patuloy pa rin ang breastfeeding ni Marian sa kanya. Kung mayroon siyang Sunday PinaSaya every Sunday, o anumang commitments, nagpa-pump pa rin siya ng milk na kasya sa anak hanggang sa makabalik siya ng kanilang bahay. ‘Yan ang tunay na ina!

Lovi nakakaumay na ang pagngawa

Napapagod kaming panoorin si Lovi Poe na gabi-gabing umiiyak sa Someone To Watch Over Me (STWOM) sa GMA-7 dahil sa story, as Joanna, hindi na siya nakikilala ng asawang si TJ (Tom Rodriguez) na may early onset ng Alzeihmer’s disease. Ang dating girlfriend lamang na si Irene (Max Collins) ang kilala nito. 

Pero ang husay-husay ng acting ni Lovi, at siya ang isang artista na kahit umiiyak nang todo, maganda pa rin. Napapanood ang STWOM after ng Alyas Robin Hood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with