^

Pang Movies

Dapat magbalik-loob sa TV Digital show ni Kris walang epekto!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Palagay namin, dapat na ngang i-consider ni Kris Aquino ang offer sa kanya kahit na once a week TV show lang. Mukhang wala namang nakapansin doon sa kanyang digital kahit na kinuha pa nila si Maine Mendoza bilang guest. Hindi pa ito ang panahon para riyan sa mga digital shows, at palagay namin kung may magsisimula niyan, kailangan ay isang personality na mas sikat kaysa kay Kris Aquino para  mapansin.

Sunshine handa uling pakasal

Hindi na kami nagugulat sa mga balita ngayon tungkol sa lovelife ni Sunshine Cruz. In the first place, kahit naman noon pa ay sinasabi na niyang hindi malayong ma-in love siyang uli. Kahit na nga sabihing hindi rin maganda ang kinalabasan ng kanyang naunang marriage kay Cesar Montano, naniniwala ang aktres na may magandang bagay pa rin para sa kanya.

Pero siyempre, noon pa man ay nag-set na siya ng mga kundisyon. Una, sinasabi nga niyang before anything else, kailangang makuha muna niya ang annulment ng kanyang kasal sa kanyang naunang asawa. Sa pagsasabi ng ganoon, maliwanag ang intention ni Sunshine. Gusto niya talaga ang isang maayos at tahimik na buhay. Gusto pa rin niyang ikasal uli.

Maraming galing sa mga ganyang klaseng re­las­yon na nasira na ang paniniwala sa kasal, kaya nauuwi sa mga live in situation. Nadala kasi sila, at gusto nila kung hindi magkakasundo, mas madali ang maghiwalay. Pero iyon ngang mas gusto ang maayos na buhay, ang inaasahan nila ay makakapag-asawa pa rin naman sila at magkakaroon ng mas maayos na buhay.

Ang isa pang condition ni Sunshine, hindi puwedeng siya lang ang mamahalin. Kailangan mahalin din ang kanyang mga anak, dahil sila ay bahagi na ng kanyang buhay. Sinasabi nga ni Sunshine, na kung magkakaligawan man “alam naman siyempre niya na may mga anak na ako, at bahagi sila ng buhay ko”.

Kaya masasabi rin natin na si Sunshine, ipagpalagay mang ma-in love siyang muli, ang gusto niya ay mailagay sa ayos ang buhay nilang mag-iina.

Kahit langawin, mga pelikula sa MMFF hindi raw ipu-pull out sa Pasko

Wala raw first day pull out ng mga pelikulang palabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Iyan ang katiyakang ibinigay ng committee sa mga pelikulang kasali. Bakit naman pull out agad ang sinasabi nila, tanggap na ba nilang mahina ang kanilang ilalabas na pelikula?

Sa naririnig namin, ang mukhang malakas nga sa mga pelikula ay ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros dahil nanalo na ito sa Tokyo International Film Festival, at saka ang Seklusyon, na bukod sa nag-iisang horror movie ay nakuha rin para sa festival sa Macau. Pero hindi mo masasabing masasalo ng dalawang pelikulang iyan ang lahat ng mga sinehan na maghahanap ng ibang pelikula kung nalulugi na sila.

May limitasyon din naman ang audience ng dalawang pelikula at sa palagay namin, ang initial na 35 theaters nila sa Metro Manila, at ang iba pa sa mga probinsiya ay sapat na. Kung itatambak naman sa kanila ang lahat ng sine, mahahati lamang ang kanilang audience.

At tandaan ninyo ha, ang sabi nila walang mapu-pull out sa first two days lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with