^

Pang Movies

Jennylyn kinaliskisan ang bagong kapareha!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa wakas ay may napili nang leading man ni Jennylyn Mercado ang GMA-7 para sa seryeng My Love From the Star. Inanunsyo na ito ng network kahapon kaya tuloy na tuloy na talaga ang serye na matagal na ring na-delay dahil nga kinailangang maghanap ng leading man nang hindi pumuwede si Alden Richards.

It’s confirmed, final and official na ang gaganap na Matteo Do ay si Gil Cuerva, isang commercial and print ad model na talent ng Cornerstone Entertainment, Inc. ni Erick Raymundo. Ngayon ay co-managed na sila ng GMA Artist Center.

Guwapo, matangkad at tisoy si Gil. Pamangkin siya actually ni Bing Loyzaga. Medyo nahahawig siya kay Borgy Manotoc na anak ni Imee Marcos.

Dumaan din si Gil sa audition at napansin agad ng management na bagay na bagay siya sa role. Personal din siyang tiningnan ni Jen at nagustuhan siya ng aktres.

Kaya naman pagkatapos ng masusing pag-aaral, nagdesisyon ang management na si Gil na nga ang karapat-dapat na maging Matteo.

Sa Monday ay magsisimula nang mag-taping sina Jen at Gil. Last Thursday ay nag-shoot na rin sila ng Christmas special sa GMA-7.

Excited na si Jen na mag-taping dahil matagal-tagal din siyang nagpahinga sa teleserye. Huli niyang serye ay My Faithful Husband na natapos pa last year of November.

Pero okay din naman kay Jen na matagal siyang napahinga dahil nagkaroon siya ng time for her fami­ly lalo na nga sa kanyang anak na si Alex Jazz. Bumawi siya sa kanyang pamilya pagkatapos ng two years din niyang pagiging super-busy.

Blessing in disguise pa nga ang pagkakapahinga ni Jen sa trabaho dahil sino nga ba ang mag-aakalang kukunin na ni Lord ang kanyang adoptive mom na si Lydia Mercado na sumakabilang buhay last October. At least, sa mga huling sandali ng ina ay nariyan siya sa tabi nito.

Paolo Takot ma-overexposed?

Ayaw isipin ni Paolo Ballesteros na blessing in disguise ang pagkakasuspinde niya sa Eat Bulaga kaya niya nagawa ang pelikulang Die Beautiful na naging dahilan para magkaroon siya ng Best Actor award at international pa, take note (at the Tokyo International Film Festival).

“Of course, like what I have said, Eat Bulaga is my priority from the start. Siyempre, araw-araw ko itong ginagawa for the last 16 years.

“So to wake up every morning na akala ko papasok ako, ‘ay hindi pala, ipapahinga ko lang’, alam mo ‘yun. So, I wouldn’t consider it as a blessing. But feeling ko lang na baka nagkataon lang. Kung baga, nagkataon lang na eto ‘yung tamang panahon, sabi nga ni Lola Nidora, for me to do these films, kasi naka-tatlo po ako, dalawa kay direk Jun (Lana) at isang Enteng (Kabisote 10). So, nasa panahon lang siguro,” pahayag ni Paolo.

Sa ngayon ay may offer si Paolo na tatlo pang pelikula mula sa Regal Entertainment pero dahil nga EB ang kanyang priority, aniya kahit siguro 1 movie a year ay puwede naman siyang makagawa.

“Pero nakaka-inspire talagang gumawa ng mga ganitong klaseng pelikula lalo na siyempre nun’g na-recognize,” he said.

When asked kung ano ang masasabi niya na siya na ang idolo at peg ng mga transgender ngayon, ani Paolo ay nakakataba raw ng puso.

“Nakaka-inspire rin naman sila. Kung ina-idolize nila ako, ina-idolize ko rin sila,” sey ni Paolo.

Samantala, medyo malungkot ang Pasko ni Paolo ngayon dahil hindi niya makakapiling ang kanyang 7-year-old daughter na si Keira na naka-base sa US dahil hindi raw ito uuwi ng ‘Pinas this Christmas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with