^

Pang Movies

Ex-beauty queen na nagmaldita, hindi makikilala ‘pag walang make up!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi kasali sa isang television special ang ex-beauty queen dahil nag-babu na siya sa poder ng kanyang manager na in charge sa production.

May balita na pasaway ang former beauty queen na mahirap makilala kapag walang kolorete sa mukha dahil ibang-iba ang hitsura niya.

Malaki ang dapat ipagpasalamat ng dating beauty queen sa make-up dahil malaki ang iginaganda ng kanyang mukha.

May sarili nang career sa telebisyon ang ex-beauty queen pero sayang pa rin dahil hindi siya nakasama sa television special. Kahit papaano, nagbigay din siya ng karangalan sa ating bansa.

Maka- Janella at Marlo nagbubunyi

Happy ang fans nina Janella Salvador at Marlo Mortel dahil sila ang partners sa Mano Po 7: Chinoy ng Regal Entertainment, Inc.

Nagpapasalamat ang fans ng dalawa sa Regal dahil sa desisyon nito na pagsamahin muli sa isang pelikula ang dating loveteam at mga bida ng Haunted Mansion, ang surprise hit sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2015.

Ang akala ng Janella-Marlo fans, hindi na magtatambal ang dala­wa dahil ipinareha si Janella kay Elmo Magalona.

Buboy todo tanggol sa nipple ng girlfriend

Binasag na ni Buboy Villar ang pananahimik tungkol sa bashing sa kanyang girlfriend na si Angillyn Gorens dahil sa damit na isinuot nito sa debut party ni Gabbi Garcia.

Ang akala ng lahat, dededmahin ni Buboy ang mga batikos para hindi na lumaki pa ang isyu.

Pero tulad ng isang knight in shining armor, to the rescue si Buboy na buong giting na ipinagtanggol ang dyowa na pinaratangan na fashion victim dahil muntik nang mag-hello ang nipples sa masikip na black tube dress na mariing idinenay ng dating child actor.

“Alam n’yo po sa mga sinasabe nang mga bastos na mga nag-comment, nakaka-disappoint kasi meron mga tao na ganyan talaga ang comment na nakaka-stress.

“Unang-una, tao po ang asawa ko, tyaka wala naman sanang bastosan. Nakakasakit po kayo.

“Unang-una, kung ganyan man po ang suot, kaylangan ba ‘yan kaagad ang pansinin?

“Eh kung sa inyo po kaya ‘yun nangyari? Tyaka, hindi ko po s’ya pinapabayaan. Alam ko po kung ano ang ginagawa ko!

“At ‘yung mga makikitid na utak na comment lang nang comment nang mga kabastosan! At hello?!!! Nip slip? Hahaha, nakakatawa in your dreams! Hindi ko hahayaan ‘yun, mga sir/mam pero salamat sa inyo dahil pinakita n’yo sa akin na meron pala talagang tao na makitid ang utak.

“I love you guys! Iba kayo whoop whoop! Luhod na ako!,” ang emote ni Buboy na nagbigay ng sakit ng ulo sa mga editor dahil hindi siya marunong gumamit ng mga punctuation mark at ng correct spelling ng Tagalog words.

Nakita ko ang iniintriga na litrato ng mag-dyowa at in fairness, walang nip slip na nangyari. Sadyang malaki ang dibdib ni Angillyn kaya naghuhumu­ lagpos sa kanyang tube dress ang bumpers niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with