^

Pang Movies

Treseng wagi at sawi sa 2016!

Pang-masa

1. Jessy Mendiola at Luis ManzanoParang roller coaster ride ang 2016 kay Jessy Mendiola. Pagkatapos niyang hirangin bilang Sexiest Woman ng isang men’s mag, naging kontrobersyal ang aktres dahil siya ang itinurong dahilan ng hiwalayang Angel Locsin at Luis Manzano. Idinenay ni Jessy ang bintang dahil single na raw si Luis nang pumasok siya sa buhay nito.

Ngayon ay open na open na sina Jessy at Luis sa kanilang relasyon at nagta-travel pa abroad. Ang Phuket, Thailand ang huli nilang bansang binisita.

2. AiAi Delas Alas – Blessed ang 2016 para kay AiAi delas Alas dahil ginawaran siya ng Santo Papa ng Papal Award (Pro Ecclesia et Pontifice), ang pinakamataas na pagkilala ng Pope sa lay people. Iginawad ito sa kanya dahil sa kanyang “distinguished service to the church.”

Para sa Comedy Queen, tinalbugan pa raw ng kanyang Papal award ang kanyang international awards at para raw siyang muling ikinasal.

3. Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger – Kung taon ng tagumpay ang 2015 para kay Pia matapos niyang maiuwi ang Miss Universe crown, ngayong taon ay tila year of love naman ito para sa kanya. Nauna nang inamin ng car racer na si Marlon na nagdi-date sila ni Pia at huli nga silang namataan na magkasama sa Singapore.

Ngayong patapos na ang reign ni Pia sa Miss U, inaabangan kung aamin na sila sa real status ng kanilang relasyon.

4. Jaclyn Jose - Gumawa ng ingay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose matapos siyang kilalaning Best Actress ng Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma’ Rosa na idinirek ni Brillante Mendoza noong May.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang Pilipino na nakilala ang pag-arte sa prestihiyosong film festival

5. Lav Diaz – Kumalampag ang local movie industry sa pagkakapanalo ng pelikula ni Lav Diaz na Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left) sa Venice Film Festival. Nasungkit nito ang Golden Lion award, ang pinakamataas na parangal sa nasabing film festival.  Ang The Woman Who Left ang come back movie ni Charon Santos-Concio pagkatapos ng 17 taong pahinga sa pelikula.

6. Ellen Adarna at Baste Duterte – Naging kontrobersyal si Ellen Adarna pagkatapos nitong mag-upload ng sunud-sunod na picture nila ni Baste Duterte kasama ang iba pang kaibigan sa Siargao Island noong kasagsagan ng eleksyon. Maraming beses nag-deny si Ellen hanggang sa lumabas ang kissing photo nila last month kasama ang ngayon ay presidential son. May mga nagsasabing nagli-live in na sila.

7. Kris Aquino – Kung sinuwerte si Ellen ay minalas naman si Kris Aquino ngayong taon. Ang hindi pag-renew ng ABS-CBN sa kanyang kontrata, ang naudlot niyang show sa GMA 7, at ang hindi pagsipot sa kanya ni Pres. Rodrigo Duterte sa dapat sanang one-on-one interview ang ilan lamang sa mga kamalasan na nangyari kay Kris ngayon taon.

8. Mariel Padilla and Robin Padilla. - Suwerte ang taong 2016 sa mag-asawang Mariel at Robin dahil matapos makunan ng dalawang beses ay inanunsyo ng TV host na siya’y three months pregnant last May 2016. Nanganak ito last month sa US at nabigyan ng absolute pardon ng Pangulong Rody Duterte si Robin. Ang masaklap lang, hindi pa rin nabibigyan ng US visa ang actor para makita ang kanyang mag-ina.

9. Celebrity Weddings– Tinapos na ng IT Girls na sina Solenn Heussaff, Georgina Wilson, at Isabelle Daza ang pagiging single dahil ngayong taon ay pare-pareho silang ikinasal.

Si Solenn ay ikinasal sa kanyang long time boyfriend na si Nico Bolzico sa Combourg, France. Si Georgina naman ay ikinasal sa kanyang businessman boyfriend na si Arthur Burnand sa Winchester, United Kingdom at ang Tuscany, Italy naman ang napiling location nina Isabelle at Andrien Semblat.

Hindi rin pakakabog ang anak ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle nang magpakasal siya sa kanyang hotelier fiancé na si Justin Pitt sa Lake Como, Italy. Ang mala-fairy tale na kasal ni Cristalle ang sinasabing pinaka-bonggang kasal sa local showbiz this year.

10. Mark Anthony FernandezMarami naman ang nalungkot nang pumutok ang balitang nahulihan ng isang kilong marijuana si Mark Anthony sa Pampanga. Depensa ng aktor ay one year supply niya ito para makaiwas sa sakit na cancer. Maaalalang namatay ang ama niyang si Rudy Fernandez taong 2008 dahil sa sakit na periampullary cancer.

11. Jake Ejercito at Ellie Hindi na ikinagulat ng marami ang pina­singaw na balita ni Max Eigenmann, half-sister ni Andi Eigenmann, na ang tunay na ama ni Ellie ay si Jake Ejercito. Ayon kay Jake ay may isang taon na rin niyang alam na siya ang ama ng anak ni Andi nang makumpirma sa DNA test. Gusto lamang umano nitong protektahan sa isyu ang bata kaya nagawa nila itong ilihim.

12. Direk Wenn Deramas at Blakdyak Nagluksa ang buong showbiz industry last February sa maagang pagpanaw ng box-office direktor na si Wenn Deramas matapos itong atakihin sa puso nang sumugod sa ospital para puntahan ang kapatid na inatake rin. Magkasunod silang sumakabilang buhay.

Samantala, natagpuang walang buhay at may nakabalot na plastic sa ulo ang singer-comedian na si Blakdyak sa kanyang inuupahang apartment noong nakaraang buwan. Isinantabi ang angulo ng foul play at sinasabing nagpakamatay ito. Pinaghihinalaan ng iba na may kinalaman sa droga ang pagpapakamatay ng singer-comedian. Taong 2014 ay naging ulo rin siya ng mga balita dahil nahuli ito ng Mandaluyong anti-illegal drugs operatives na humihithit ng shabu.

13. Jasmine Curtis at Erwan Heussaff. Bungad na pasabog ng taon ang snapchat video nina Jasmine at boyfriend ng ate Anne Curtis niyang si Erwan na pinagpiyestahan ng netizens. Makikita sa video na sobrang close ang dalawa at parang hinalikan pa ni Erwan si Jasmine. Sobrang na-bash ang dalawa lalo na ang nakababatang Curtis pero dinepensahan naman sila nina Anne at Solenn Heussaff na ate ni Erwan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with