^

Pang Movies

Gabbi, Ruru, Ken, Inah, malakas ang pag-asa next year!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Gabbi, Ruru, Ken, Inah, malakas ang pag-asa next year!

Gabbi

Para sa 13th anniversary ng PM (Pang-Masa) heto ang listahan ng 13 Most Promising Kapuso Stars for the year 2017.

Hindi na namin isinali sa list na ito ang mga tulad nila Barbie Forteza, Kylie Padilla, Derrick Monasterio, Julie Anne San Jose, Alden Richards, Kristoffer Martin, Bea Binene, Joyce Ching at iba pa dahil may mga napatunayan na ang mga ito at nagbida na sa kani-kanilang teleserye.

This list ay para sa baguhan at mga nakikitaan namin ng potential to make it big sa 2017.

Abangan na lang natin ang paglaki ng name nila tulad sa paglaki ng PM.

Happy 13th Anniversary!!!

1. Gabbi Garcia - marami na ang nagsabing siya ang big star ng 2017 among the Kapuso teens ngayon. Kaka-18 lang ni Gabbi at handa na siya sa mga mas mabibigat na roles on TV. Big break for her ang role na Alena sa Encantadia. Beauty queen potential din si Gabbi dahil sa kanyang classic Pinay beauty.

2. Ruru Madrid - ang ka-love team ni Gabbi na si Ruru ang most promising teen hunk naman ngayon. Mas gumwapo at mas tumikas ang dating ni Ruru nang gampanan niya ang role na Ybarro sa Encantadia.

3. Ken Chan - Bagama’t nagbida na sa Destiny Rose last year, mas inaabangan na kung ano pa ang puwedeng ilabas ni Ken dahil may kakaibang range of acting ito. Isa siya sa magiging leading men ni Barbie Forteza sa Meant To Be teleserye

4. Inah de Belen - Like mother, like daughter. Totoo ngang namana ni Inah ang husay sa drama ng kanyang inang si Janice de Belen. Napatunayan niya yan sa pagbida niya sa Oh, My Mama. Kasama rin si Inah sa MMFF official entry na Die Beautiful.

5. Arianne Bautista - Sinasabing look-alike ni Toni Gonzaga, pero may angking talento sa comedy at pag-host ang newcomer na ito na may sariling tatak niya. Dating model sa ramp at TV commercials, sinusubukan na ni Arianne ang iba’t ibang roles sa TV para maging isang versatile performer ito.

6. Bruno Gabriel - Hindi lang siya pamangkin ng dating San Miguel Beer Girl na si Rachel Lobangco dahil nagpakita ng husay sa drama si Bruno sa una niyang teleserye na Hahamakin Ang Lahat. Guwapo, matanglad at moreno. Perfect traits ng isang promising star.

7. Jak Roberto - Dating nasa background lang, nga­yon ay nagbibida na ang tinaguriang Pambansang Abs. Dahil ganda ng katawan ang puhunan, sinamahan pa nito ng mga natutunan niya sa pag-arte sa drama. Kaya naman isa siya sa leading men ni Barbie sa Meant To Be.

8. Sanya Lopez - Hindi lang siya makikilala bilang kapatid ni Jak Roberto dahil isang promi­sing actress si Sanya dahil sa breakthrough role niya sa Encantadia bilang si Danaya. May promise rin na maging isang beauty queen ang sexy morena na ito.

9. Juancho Triviño - Nabigyan ng pagkakataon na magbida sa Magkaibang Mundo si Juancho at ngayon ay isa na siya sa pinagpapantasyahan na hunks ng Kapuso Network. Perfect leading man dahil sa looks, height at acting potential.

10. Lindsay de Vera - Matatawag naming classic beauty ang mestizang si Lindsay. Only 16 pero may ibang aura na siyang pinapakita sa TV. Future leading lady ang batang ito at tiyak na pag-aagawan siya ng mga leading men ng GMA-7.

11. Robert Noriega - Isa ring leading man in the making ang matangkad at tisoy na 17-year old na si Robert. Kahit na dalawa pa lang ang naging teleserye niya, nakaeksena na niya ang mga tulad nila Regine Velasquez-Alcasid, Tom Rodriguez, Lovi Poe, Edu Manzano, Snooky Serna at iba pa.

12. Migo Adecer - Winner ng Starstruck 6, hindi lang pang-leading man si Migo kundi isang mahusay pang singer. Big break niya ang role na Anthony sa Encantadia at kahit hirap pang mag-Tagalog, nadadaan naman niya sa cute chinito eyes niya.

13. Mikey Quintos - Tama ang pagpili kay Mikey bilang si Lira sa Encantadia dahil nasa kanya ang innocence and rawness na kailangan sa role. Isang promising singer din si Mikey kaya huwag magtaka kung next year ay maging double threat siya sa ibang mga Kapuso stars.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with