^

Pang Movies

13 taon na sa showbiz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
13 taon na sa showbiz

Vilma

Hindi halos natin namamalayan, labintatlong taon na pala ngayon ang PM (Pang-Masa). Labintatlong taon na rin pala tayong naghahatid ng mga balita at opinion na higit na naiintindihan ng masa. Importante iyan eh. Hindi lahat ng balita gustong marinig ng nakararaming tao. Hindi rin naman lahat ng paniniwala ay kinakatigan nila. Kaya dito sa PM, dahil nga kami ay pang-masa, sinisigurong ang lahat ng nilalaman ay iyong talagang gusto nang higit na nakararami.

Inaamin naming minsan siguro, nakakapagbigay kami ng mga opinyong medyo taliwas doon sa inaasahan, pero isang bagay lang ang tinitiyak namin, iyon ay mga opinyong pinaniniwalaan naming tama. Dito sa amin, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, mas nangingibabaw pa rin ang paniniwala na walang higit na mahalaga kung di ang kapakanan ng aming mga mambabasa.

Ang lehitimong media sa panahong ito, lalo na nga ang entertainment, ay nahaharap sa isang matinding kumpetisyon, iyong tinatawag nilang social media.

Hindi lamang interview sa mga artista ang lumalabas sa social media, karamihan sa mga artista ngayon ay may account sa social media. Pero ang laban naman namin, sigurado ba kayo na iyong mga artista nga mismo iyon at hindi isang fan lang nila na mahilig ding mag-post sa social media?

Maraming artista, masyadong busy na ang mga iyan para sila pa ang mag-asikaso ng kanilang publisidad sa social media. At ang peligro pa, dahil ginagawa nga nang madalian at kadalasan ay hindi napag-iisipan, marami sa kanila ang mas napapahamak pa dahil sa mga ginagawa nilang statements sa social media. Kaya higit na marami pa rin naman ang naniniwala sa lehitimong media kagaya nga nitong PM.

Sa aming pagpasok sa ika-labing apat  na taon, ngayong masasabing “teenager” na rin ang PM, masasabi naming mas makakaasa kayo na ang aming entertainment team ay magbibigay ng mas magagandang balita at mas makatotohanang opinion tungkol sa mga bagay-bagay sa showbusiness. Pero huwag ninyong kalimutan ha, may tsismis din kami.

Siguro hindi naman lahat ng mga kasama namin dito sa aming entertainment team ay may kagaya naming opinion, pero sa paniniwala namin, siguro nga ang artistang nagkaroon ng pinakamatinding accomplishment nitong nakaraang labintatlong taon ay si Vilma Santos.  

Nasaksihan natin ang kanyang pagiging mayor mula sa pagiging isang prem­yadong aktres. Tapos naging gobernadora siya ng Batangas, at ngayon ay congresswoman ng nag-iisang distrito ng Lipa.

Sa kabila ng kanyang tagumpay sa pulitika, napanatili niya ang kanyang pagiging in demand bilang isang aktres. Basta may maganda o matinding role, ang unang pumapasok sa isipan ng mga director ng pelikula ay “sana makuha namin si Vilma Santos”. Alam kasi nilang mahirap dahil sa kanyang tungkulin sa bayan, pero kailangan para sa ikagaganda ng pelikula.

Napangalagaan ni Ate Vi hindi lamang ang kanyang hitsura kung di pati na ang takbo ng kanyang career bilang isang aktres sa kabila ng napakarami niyang gawain. Napatunayan din naman niya sa bayan na hindi siya iyong masasabing “artista lang” dahil matindi rin ang kanyang accomplishments bilang isang government official. In fact ginawaran na siya ng pinakamataas na pagkilala sa public service.

Kamakailan lamang, may natanggap na naman siyang isang award, dagdag sa napakarami na niyang award na nakuha sa buong panahon ng pagiging isang aktres.

Kaya nga kung mayroon lamang awards sa aming ika-13 taon dito sa PM, siguro sasabihin naming si Vilma Santos nga ang ultimate actress.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with