^

Pang Movies

Aktor parang laging gutom ‘pag dinadalaw ang GF!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Grabe pala ang kakuriputan ng isang actor. Na pati sa pagkain, tinitipid daw nito ang sarili.

Kaya ‘pag dadalaw daw ito sa girlfriend na isa ring celebrity, ang madalas daw nitong gawin ay makikain.

As if parang lagi raw itong gutom ‘pag dumadalaw sa condo ng karelasyon.

Dedma na lang daw ang yaya ni female celeb sa attitude ng actor kasi nga hindi rin naman nila inakala na ganun pala kakuri ang nasabing actor na kung tutuusin ay yayamanin naman ang pinu-project na imahe.

Young actress na pinu-push ng isang network ang career, walang ‘IT’

Kulang sa charisma ang young actress na pinu-push ng isang network. Ito ang observation ng isang beauty expert na nagmamasid sa mga pangyayari sa career ng young actress.

“Walang ‘it’, kulang na kulang siya nu’n,” say ng beauty expert.

Kahit daw ano’ng tulak sa career ni young actress kung kulang sa charisma, wala ring mangyayari. Masasayang ang effort ng network.

True naman daw na maganda pero gusto mo lang siyang tingnan. Pero hindi mo hahabulin o titilian.

Well, super veteran na si beauty expert sa showbiz at witness siya sa mga sumikat at mga nalaos na mga artista kaya believable ang kanyang observation.

Kaso ni Mark nahanapan ng butas?!

May pag-asa nga bang makalabas sa kulungan si Mark Anthony Fernandez?

May nasilip daw kasing butas sa kanyang kaso ang mga abogado niya na nakatakdang ilaban ng kanyang kampo.

Wala pang nagkukumpirma sa bagong development sa kaso ni Mark na kasalukuyan pa ring nasa selda sa Pampanga Provincial Jail matapos umano’y mahulihan ng isang kilong marijuana sa isang check point sa nasabing probinsiya.

Mga sinasabing durugista nakakahinga ng maluwag

Maraming artista ang nakakahinga ng maluwag sa kasalukuyan. Ang rason: hindi na napag-uusapan kung papangalanan pa ba ang mga sinasabing drug pusher and user sa showbiz ng Philippine National Police at ni President Duterte.

Natatabunan ng maraming kuwento sa pulitika ang isyu ng mga durugista sa showbiz na ikinatutuwa ng mga sinasabing nasa listahan.

Patok sa Masa…

Parang hinihila na lang ang araw ngayon. Tulad na lang ng Pang-Masa. Trese anyos na pala.

Maraming salamat sa lahat ng mga tumatangkilik at masugid na mambabasa ng aming pahayagan.

Sa kabila ng mainit na competition at mabilis na pag-arangkada ng social media, patuloy ang pagtaas ng circulation ng aming dyaryo particular na sa mga probinsiya.

Maraming salamat po sa patuloy na tiwala at pagtangkilik. #PatokSaMasa #Happy13th

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with