^

Pang Movies

Julia nanakawan, suspek ‘di pa kilala!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dream come true para kay Julia Barretto ang pagkakaroon ng movie entry for Metro Manila Film Festival, ang Vince & Kath & James ng Star Ci­nema kung saan ay kasama niya bilang leading men sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

“At this point, sobrang saya ko lang po talaga na nakapasok kami sa MMFF. Never in my wildest dream. Dream come true talaga,” pahayag ni Julia sa grand presscon ng VKJ last Tuesday.

First filmfest entry ito ni Julia kaya naman sobrang saya niya. Bukod dito, first time rin niyang makasama sina Joshua and Ronnie in one project.

Ano ang masasabi niya sa kanyang dalawang leading men?

“Sobrang saya ko, natuwa ako dahil naka-build ako ng relationship and bond with the two boys, and sobrang light nilang katrabaho, and walang problema sa set, it’s very important. Siguro kasi, importante talaga ‘yung friendship. Siguro, it’s the best foundation talaga to create chemistry.

“So, natutuwa ako na mayroon kaming bond na tatlo,” saad ng young actress.

Kanino ba siya may kissing scene sa dalawa?

“Meron po ‘yun sa script, pero tingnan natin kung meron talaga ‘yun sa movie mismo,” sambit ni Julia.

Sabi ni Ronnie ay may mga nagnakaw ng halik at inayunan naman ito ni Julia.

“Totoo ‘yun, may mga nagnakaw talaga ng halik. Dapat nating panoorin para malaman. Nasa ending siya, kaya hanggang ending mag-stay sila sa sinehan. Tingnan natin. Kaya nasampal siya sa huli,” natatawang sabi ni Julia.

Sa opening day ng Vince & Kath & James on Christmas day, Dec. 25, kasama ni Julia ang buong family niya na mag-iikot sa mga sinehan, pati na sina Joshua and Ronnie.

“So, excited ako kasi makakasama rin namin ang mga fans namin. Iikot kami sa mga cinemas.”

Pati ba ang daddy niyang si Dennis Padilla ay makakasama niya?

“Sana, sana may time siya for me,” sagot ng young actress.

Wala bang time ang daddy niya for her?

“Sana. Baka busy, ewan ko. Tingnan natin po. Pero siyempre, i-invite ko siya, kasi this is a romcom and my dad is a comedian. So siyempre, gusto kong makakuha ng reaction, ng advice galing sa kanya.

“Siyempre, gusto ko rin na maging proud ‘yung dad ko sa first ever comedy project ko,” pahayag ni Julia.

Mula sa direksyon ni Theodore Boborol, ang Vince & Kath & James ay hango sa patok na patok na online romantic series na Vince & Kath kung saan ay ipinapakita ang istorya sa pamamagitan ng screenshots ng mga text messages sa pagitan ng mga lead characters na siyang isa sa naging dahilan kung bakit ito naging viral at sikat na sikat na social-serye na sinusundan ng napakaraming online readers.

Nakuha kamakailan ng Star Cinema ang rights ng nasabing sikat na serye and developed it into a mini-franchise with its big screen adapation as its grand opening salvo.

Umamin, Joshua kinikilig kay John Lloyd

Sobrang saya rin ni Joshua na puring-puri ang acting niya sa VKJ at dahil nga sa mahusay niyang pag-arte sa pelikulang ito ay binabansagan siya ngayong “the new John Lloyd Cruz”.

“Nakakatuwa po, nakakataba ng puso na sinasabi nila na next John Lloyd Cruz ako. Actually, kinikilig talaga ako pag tinatawag nila ako (na the next JLC) kasi idol ko po talaga si John Lloyd. ‘Yun ngang kahit ¼ or 1/8 ng marating ni kuya John Lloyd, eh sana marating ko rin po,” sabi ni Joshua.

Marami rin ang nagsasabi na malaki ang laban niya bilang Best Actor sa MMFF awards night pero ayon sa batang aktor, ayaw niyang mag-expect.

“Hindi po ako nag-e-expect, kasi mahirap ‘pag nasaktan ka sa gano’n. Pero parang ang sarap po sobra na pinupuri po nila ako.

“Sana po, ma-nominate ako. Ma-nominate pa lang po, eh napakalaking karangalan na po ‘yon para sa akin,” sey ni Joshua.

How was it working with Julia?

“Masaya po siyang ka-work, matakaw po siyang ka-work,” pagbibiro ni Joshua. “Hindi, masaya po siyang ka-work. At nagtutulungan kami sa mga eksena, sinisigurado naming magugustuhan ng mga tao,” he said.

Actually, may fan base na ang loveteam nina Julia and Joshua at ang tawag nga sa kanila ay JoshLia, ganundin ang loveteam ng  young actress with Ronnie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with