^

Pang Movies

Bagong tirahan nila Sharon, tanaw ang buong Ayala at Edsa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Balik-buhay sa condo si Sharon Cuneta kasama ang pamilya. Kanyang ipinasilip ang iba’t ibang bahagi ng condo nila sa kanyang Instagram account.

Una niyang pinasilip ang master’s bedroom kung saan may bed rin na rug ang aso nilang si Daisy. Then, ‘yung balcony, view sa bandang kaliwa na tanaw ang Ayala Avenue at kabuuan nito.

Ipinakita rin ng megastar ang master’s bathroom, ang view mula sa kama, at ang bonggang bahagi na tanaw ang North Forbes sa EDSA, Urdaneta Village. Ang kitchen na lang daw ang hindi pa natatapos.

Nakatakdang mag-record ngayong araw na ito ni Shawie para mailabas na ang kanyang bagong CD. ‘Yun nga lang, nagkasakit siya two days ago.

Bodyguard ni Sen. Pacquiao inire-reklamo, daig pa raw ang langaw sa ibabaw ng kalabaw

Nagsumbong ang ilang media kay Arnold Clavio sa isang bodyguard ng senator. Blind item lang muna ito sa simula pero kalaunan ay pinangalanan niyang isa ang bodyguards ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang tinutukoy.

Nakatikim ng sermon ang bodyguard kay Arnold. May mga sumbong kasing nanunulak ng media ang bodyguard kapag daraan na ang senador.

Eh nitong nakaraang Senate hearing, naging matapang si Sen. Pacquiao sa pagtatanong sa witness na si Ronnie Dayan. Ipina-cite niya ng contempt ang dating bodyguard-lover ni Senator Leila de Lima. Wagi naman siya sa mosyon niya kaya siyempre, aligaga ang media na interbyuhin siya after ng hearing, huh!

Kaso, umepal ang bodyguard na minamadali ang media na tapusin ang interview sa senador.

Sey tuloy ng co-host niyang si Ali Sotto, maikukumpara ang bodyguard sa isang langaw na komo nakatuntong sa kalabaw ay mas mataas ang feeling, huh!

Paolo na-gang-bang!

Wala pang nakukuhang rating mula sa MTRCB ang Die Beautiful ayon sa director ng festival entry na si Jun Lana.

May lumabas kasi na ibang bersyon daw ang ipinalabas sa Tokyo International Film Festival at ang ipalalabas sa December 25. May eksena raw kasi sa international version na may gang-bang (gang rape ba ito?) si Paolo.

“’Yung original version pa rin. May mga eksena lang kaming inayos. Kaya kung ano ‘yung ipinalabas sa Tokyo eh ito rin ang mapapanood sa festival,” say ni Direk Jun sa grand paandar mediacon ng movie.

Natawa na lang sina Paolo at Albie Casiño nang mabanggit sa media-con ang salitang gang-bang, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with