^

Pang Movies

‘Binatilyo’ na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Teenager na ang PM (Pang-Masa) dahil ipinagdiriwang namin ngayon ang 13th anniversary ng inyong favorite afternoon tabloid.

Hindi ako makapaniwala na labintatlong taon na ang PM dahil dito ako unang binigyan ng daily column ni Papa Miguel Belmonte.

Ang bilis-bilis ng panahon. Sino ang mag-aakala na 13 years na ang PM na araw-araw ko na binubuno ang deadline pero enjoy ako na maghatid sa inyo ng lahat ng hottest showbiz news?

Bago ako nabigyan ng daily column sa PSN (Pilipino Star Ngayon), una muna akong nagsulat para sa PM kaya malapit ito sa puso ko.

Thank you sa lahat ng mga supporter ng PM na hindi nagsasawa sa pagtangkilik. Hindi aabot ng 13 years ang PM kung wala kayo.

A million thanks sa lahat, mula sa akin at sa buong Team PM!

Apelang piyansa hindi pinagbigyan

Bong sa kulungan magpa-Pasko at Bagong Taon

Matatag na matatag ang PM. Kasing-tatag ni Bacoor City Mayor Lani Mercado na hindi nawalan ng pag-asa na darating ang araw na papayagan na makapagpiyansa ang kanyang loving husband, si former Senator Bong Revilla, Jr.

Noong December 5, ibinahagi ni Lani ang taimtim na panalangin niya sa Diyos para sa kalayaan ni Bong na mahigit sa dalawang taon nang nakakulong.

Bilang na bilang ni Lani ang taon, buwan at araw ng pananatili ni Bong sa PNP Custodial Center. Hindi ako magugulat kung bilang din niya ang bawat oras, minuto at segundo.

“Father You are the God of perfect timing. It has been 2 years, 5 months and 15 days that Sen. Bong has been away from his family. I hope it is not too much to ask from You Father God to grant us his freedom.

“You have been our source of strength all this time and have totally surrendered our life to You.It would be the greatest wish of my family to have him home soon. Father we dedicate our life to you whatever the result maybe. We assure You of our love and dedication to You. This we pray in Jesus name by the power of the Holy Spirit. Amen,” ang taos-puso na dasal ni Lani.

Noong Martes, lumabas ang desisyon ng Supreme Court na huwag payagan si Bong na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantala na kalayaan at na­ngangahulugan ito na mananatili siya sa kulungan sa Pasko at Bagong Taon as in tanging si God lamang ang nakakaalam kung kailan siya makakalabas mula sa PNP Custodial Center.

Nalungkot ang fans and supporters ni Bong pero nagpakita ng katatagan at tapang si Lani na hindi nawawalan ng hope.

“Salamat po sa lahat ng nagdasal, nagpuyat at nakiisa sa amin sa araw na ito. ‘Di man natin nakuha ang ating matagal ng hinihiling manatili sana tayong matatag at buo ang damdamin. Patuloy ang panalangin... Patuloy ang laban,” ang buo ang loob na mensahe ni Lani para sa lahat ng mga nagmamahal sa pamilya nila.

Hindi ko magawa na malungkot dahil sa ipinakikita ni Lani na tapang at katatagan. Isa siyang inspirasyon sa lahat ng mga pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag-asa. Bagay na bagay si Lani bilang nanay ng Bacoor City.

Negatrons nasupalpal...

At dahil hindi pumayag ang Supreme Court na makapagpiyansa si Bong para sa temporary freedom nito, supalpal ang mga nega na nagsabi na siguradong makakalabas siya sa kulungan dahil isa raw ‘yon sa mga ipinangako ni President Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya.

Napahiya ang mga nagmamarunong na pina­ngunahan pa ang Supreme Court at nag-ingay noong bisperas ng paglalabas ng desisyon. Mga nega na idinadamay ang kaso ni Bong sa paninira nila kay Papa Rody.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with