^

Pang Movies

Baron, Ping, at Direk Arlyn, pare-parehong nawalan!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Baron, Ping, at Direk Arlyn, pare-parehong nawalan!

Direk Arlyn

Sa totoo lang, nanghihinayang ako kina Baron Geisler at Ping Medina dahil magagaling silang artista. Akala namin nang magbalik sa limelight si Baron after ng isang short vacation ay isa na uli siyang bagong aktor na maituturing.

Noon pa man ay napakagaling nang umarte ni Baron sa harap ng camera, kahit anong ipagawa mo sa kanya ay talagang minamani niya.

Kaya naman isa rin kami sa natuwa nang mapili siya ni Direk Arlyn dela Cruz na mapasama sa pelikulang Bubog. Doon na nga sila nagkatapat ng magaling ding character actor na si Ping.

Mabuti na nga lang at tinapos na ng PAMI (The Professional Artist Managers, Inc.) ang kontrobersya sa dalawa pati na rin kay Direk Arlyn.

Buweno, alaala na lang ang ihi ni Baron na winilig niya kay Ping, e, ang ihi daw ng lalake ang mas mapanghi lalo’t kung nakainom ka ng mga nakalalasing.

Sa madaling salita, 3 in 1 ang nangyari dahil silang tatlo ay natigil ang trabaho.

Poging young actor napagkamalang camachile ang nota

Ang bastos, pagkwentuhan ba naman ng mga tsuffatid na kasing liit lang daw ng camachile ang notilla ng isang poging young actor pero may isinusuot siya “dun” para malaki sa tingin.

Bakit kaya hindi kumunsulta sa doctor ang gwapong aktor? O baka naman madaan pa sa herbal oil, ‘yung oil ni Ms. Fely Guy Ong na super galing na herbalist.

Kahit medyo may kamahalan ang presyo, it’s a big help. Gusto kong tulungan ang poging young actor, pero salatin ko muna para ‘di kahiya hiya sa Lady Herbalist. No malice!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with