^

Pang Movies

Proud na proud young actor naeelya-elya sa sariling sex scandal!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakakaaliw ang kuwento ng guwapong young actor na ito tungkol sa paggawa daw niya ng isang scandal video.

Hindi namin alam kung seseryosohin namin ang kuwento niya o hindi.

Dahil laganap nga sa social media ang paglabas ng mga sex scandal videos ng ibang young actors ngayon, umamin ang young actor na ito na minsan daw ay sinubukan niyang gumawa ng gano’n.

“Naging curious lang ako. Bakit sila gagawa ng isang video na alam nilang mapapanood ng maraming tao tapos mahihiya silang aminin?

“Kaya ang ginawa ko, nag-set up ako ng laptop at ni-record ko ang sarili ko na gumagawa ng alam n’yo na!” sabay tawa pa niya.

Noong matapos ang young actor sa ginawa niya, pinanood daw niya ang ginawa niyang video at nakakatawa ang sinabi nito tungkol sa video niya.

“Gano’n pala ‘yon. May kung anong nararamdaman ka rin. Sa totoo lang, naelya ako sa sarili ko!” malakas na tawa niya.

“Promise, gano’n pala ang feeling. Kaya pala may iba na gumagawa ng ganyan. Gusto lang nilang panoorin nila ang sarili nila na nagpapaligaya.”

Pero ang ginawa ng young actor ay binura niya sa laptop ang ginawa niyang video at sinigurado niya na walang makakakita nito.

“Mahirap na kasi, eh. Baka kapag pinaayos ko ang laptop ko, makalkal ang pinakatatago kong lihim!” tawa pa niya ulit.

“Kaya nilipat ko ‘yung video sa isang USB at tinago ko siya ng mabuti.

“Yung walang makakaalam talaga. Ako at ang anino ko lang ang nakakaalam kung saan ang USB na ‘yon,” diin pa niya.

Sa tanong kung bakit pa niya magawang i-save sa USB ang video? Heto ang sagot ni young actor:

“Panoorin ko kasi ulit ang sarili ko after a year.

“Wala lang. Tingnan ko lang kung maeelya pa ako sa sarili ko!” natatawang pagtapos pa ng young actor.

Paolo pumiyok, type na type si Piolo

Tulad ng kasama ni Paolo Ballesteros sa kalyeserye ng Eat Bulaga na si Sinon Loresca a.k.a. Rogelia, si Piolo Pascual ang type nitong lalake kung naging tunay siyang babae.

Iisa lang ang manager noon nila Paolo at Piolo kaya matagal na niya itong kakilala, pero wala naman daw planong magpa-cute si Paolo rito.

“Ano ba ‘yan? Matagal ko nang kilala si Piolo. Pero hindi niya alam na type ko siya!” tawa pa niya.

“Wala namang masama na humanga ka, ‘di ba? Mga malisyoso!” malakas na halakhak pa niya.

Isa kami sa natutuwa kay Paolo dahil sa pagbida niya sa Metro Manila Film Festival official entry na Die Beautiful.

Una naming na-interview si Paolo ay nung 2003 noong gawin niya ang una niyang pelikula sa ilalim ng Regal Films na Anghel Sa Lupa. Nakasama pa rito ni Paolo sina Cogie Domingo at Maxene Magalona.

Hindi tulad ngayon na matsika na si Paolo, noon ay mahiyain ito, pero marunong bumati na sinasabayan pa ng ngiti.

Kaya isa kami sa nagwi-wish na maging box-office hit ang Die Beautiful at makapanalo ng grand slam best actor si Paolo.

Hollywood couple na sina Ashton Kutcher at Mila Kunis, kakaiba ang ipinangalan sa baby

Ibinunyag ng Hollywood couple na sina Ashton Kutcher at Mila Kunis ang pangalan ng second baby na isang lalake. Ang napili nilang name ay Dmitri Portwood Kutcher.

Sa website ni Ashton na-announce ang name ng baby at ang oras na naipanganak ito ni Mila noong November 30, 2016. May timbang ito na 8 pounds, 15 ounces.

Ang unang anak nila ay si Wyatt Isabelle na 2-years old na ngayon.

Sa isang article ni Ashton sa kanyang website, sinulat nito na papabayaan nilang magdesisyon ang kanilang anak sa gusto nilang buhay pagdating ng tamang edad.

“Mila and I would like to allow our kids to make their own choices on whether to have a life in the public eye or no. We don’t want to make the choice for them.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with