^

Pang Movies

Miss U may grand kick off na, mga kandidata dito magpa-Pasko!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa December 10 ang grand kick off ng 65th Miss Universe at magaganap ito sa Conrad Hotel.

Bukas sa publiko ang opisyal na pagsisimula ng pagdaraos ng Miss Universe sa ating bansa at mismong si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang special guest.

Makakasama ni Pia sa grand kick off ng sikat na international beauty pageant ang sampu sa maraming kan­didata ng Miss Universe na ki­na­bibilangan ni Miss Philippines Universe Maxine Medina.

Naka-schedule na dumating sa linggong ito para sa grand kick off ng Miss Universe ang mga delegate mula sa Korea, Japan, Thailand, Myanmar, USA, New Zealand, Indonesia at Malaysia. Sila ang unang magpo-promote ng Miss Universe na mang­yayari sa January 30, 2017 sa Mall of Asia Arena.

Catriona Gray pasok sa top 10 best talent ng Miss World

Kassli sa Top 10 finalists ng Miss World 2016 Talent Competition si Miss Philippines Catriona Gray.

Mabibigyan ng pagkakataon ang publiko na bumoto para sa  most talented candidate sa grand finals ng talent competition.

Singing ang talent ni Catriona na pinahanga ang judges sa beautiful rendition niya sa classic song na Moonriver.

Mula sa Top 21 candidates, nakapasok si Catriona sa Top 10 candidates ng talent competition.

Award sa FAMAS inihandog ni Gabby sa ama

Dedicated ni Gabby Concepcion sa kanyang pumanaw na ama ang best supporting actor award niya mula sa 64th FAMAS.

Hindi nalilimutan ni Gabby ang sinabi ng kanyang fadir noong nabubuhay pa ito na “ Diyan ka na lang din, galingan mo na.”

Si Gabby ang best supporting actor winner ng 64th FAMAS pero hindi niya personal na tinanggap ang kanyang trophy dahil out of town siya.

Co-winner ni Gabby ang aking alaga na si Lorna Tolentino na nag-win naman na best supporting actress para sa Crazy Beautiful You. Sina Gabby at Lorna ang stars ng  pelikula ng Star Cinema.

Palpak…

Imbyerna ang mga reporter dahil palpak ang presscon na pinuntahan nila dahil dedma raw ang nag-imbita sa kanila.

Kung alam lang nila na magiging magulo ang presscon, hindi na  raw sila nag-aksaya ng panahon. Nagdusa na nga sila sa trapik, hindi pa raw naging maganda ang trato sa kanila as in parang utang na loob pa nila na naimbitahan sila sa isang walang kaayusan na presscon.

Hindi tuloy nila maiwasan na ikumpara ang palpak na presscon sa pinaghandaan at pinag-isipan na  media launch ng Die Beautiful, ang pelikula ni Paolo Ballesteros.

Personal na inaasikaso ni Mother Lily at ng kanyang anak na si Roselle ang invited members of the press.

Kung may dragon dance ang grand presscon noon ng Mano Po 7: Chinoy, naghanda ng  mga production number ang mga gay impersonator na nag-entertain sa mga reporter sa bongga at sosyal na presscon ng Die Beautiful.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with