^

Pang Movies

Porke kumita ng milyun-milyon kahit di Pasko, Vice time-out na sa pagmamaasim!

- Vinia Vivar - Pang-masa
Porke kumita ng milyun-milyon kahit di Pasko, Vice time-out na sa pagmamaasim!

Vice Ganda

The Super Parental Guardians starring Vice Ganda and Coco Martin is taking the Philippines by storm dahil in five days (as of last Monday, 12 noon) ay umabot na sa P250-M ang gross nito.

Kaya naman masayang-masaya si Vice Ganda at una nang pinasalamatan ang entertainment press sa ginanap na thanksgiving presscon niya last Monday.

Ayon nga sa The Unkabogable Box-Office Star, hindi nila ine-expect ito since hindi nga sila nakasali sa Metro Manila Film Festival

“Noong una kasi, nun’g sinabing ‘hindi na tayo magpi-filmfest’, nun’g nag-usap-usap kami ng management, parang ang sabi namin, 300-400 (million), happy na tayo.

“Eh since 250 na tayo ngayon, siguradong maa-achieve na natin ngayon, siguradong maa-achieve na nating ‘yung 300. Sana, mag-700, ‘di ba? Wala namang masamang manga­rap. Mangarap na tayo. Ipagdasal natin at i-claim natin na magse-700, wala namang masama doon, ‘di ba? Ipagdasal natin na sana ibigay sa atin ng Diyos,” masayang pahayag ni Vice Ganda.

Sobrang sarap nga raw ng pakiramdam na talagang mahal na mahal siya ng mga tao.

“Na giliw na giliw pa rin sila sa paraan ng pagpapatawa ko. Na they look forward to seeing this sa big screen, na nae-excite sila na panoorin ang pelikula ko. Na kahit hindi filmfest, eh interesado pa rin sa akin at kahit hindi filmfest, eh talagang panonoorin nila at aagahan nila ang panonood.

“Kasi, maraming Pilipino ang naka-schedule lang manood ng sine pag Pasko. Pero since nawala ‘yung schedule na ‘yun, itinuloy pa rin nila nang mas maaga.

“At saka dati, ‘di ba, lagi akong binabatuhan ng tsikang ‘salamat filmfest ka’, kung baga, ‘nakiki-ride-on ka lang naman sa popularity ng filmfest kaya malaki ‘yung kinikita ng pelikula mo, kaya ka top-grosser kasi nakiki-ride on ka lang sa popularity ng filmfest’. Marami, na laging sinasabi na ‘subukan niyang gumawa ng non-filmfest entry’. Sinasabi ko naman, ‘meron naman ako dating mga non-filmfest entry, ‘yung unang Praybeyt Benjamin ko, non-filmfest. ‘Yung This Guy’s In Love With You, non-filmfest.’

“Pero ito, ang saya. Ang saya ko, ang swerte ko, mapalad ako at ‘yung suporta sa akin ng mga tao, hindi siya nagbago. Mas lumakas nga. Mas malala. Ngayon ko na-prove na mas malala ‘yung ano (suporta), kaya sabi ko rin, siguro, I must have done something right para ma-deserve itong blessing na ito. Dahil kung hindi rin naman siguro, hindi rin ipagkakaloob sa atin ng Diyos ‘yung mga bagay na hindi natin deserved,” sey ng Unkabogable Box Office Star.

So, masasabi niya bang vindication ito since hindi nga napili ang movie sa Metro Manila Film Festival?

“Ayoko naman ng vindication, mas gusto ko na lang ‘yung ‘blessing in disguise’,” sambit niya.

Malaking sampal sa MMFF?

“Ayoko ring sabihin ‘yan kasi siyempre, ‘to whom much is given, much is required’, ‘di ba? Ayoko namang. . .sa kalagitnaan ng tagumpay na ito, ayoko namang mag-maasim pa, ‘di ba? Wala nang dahilan para umasim at magyabang ka pa. Ngumiti na lang tayo.”

Bago pumunta si Vice Ganda sa thanksgiving presscon ay nanood sila ni Kris Aquino ng TSPG sa Trinoma kasama ang dalawang anak ng Queen of All Media na sina Joshua and Bimby. Kumusta naman ang bonding nilang mag-BFF?

“Masaya. Long overdue na ‘yun, eh. Kasi ang tagal naming hindi talaga nagkikita. Tele-telepono na lang. Kasi, nakikita ko ‘yung mga pictures niya, fresh siya, saka payat siya, kaya gusto ko siyang makita. Ang ganda niya kaya kanina. Masaya, masaya kaming nagharutan lang at magkatabi kami du’n.

“Tapos, si Bimby rin, missed na missed ko, saka si Josh. Si Bimby, tawa nang tawa. Kaya sabi ni Kris, ‘in fairness sa ‘yo, ha, tinatawanan ka talaga ni Bimby. May crowd ka talagang sosyal’, sabi niya,” natatawang kwento ni Vice Ganda.

Hindi ba niya sinita si Kris na naunang panoorin ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers na kasabay ng TSPG na nagbukas?

“No! Alam mo nun’g nangyari ‘yun, after nilang lumabas, nag-text siya sa akin, kasi nga, mayroon nga kaming movie date.  Eh tumatawag siya, hindi ko siya nasasagot. Tapos, nagte-text siya, hindi ko rin siya nasagot right away.

“Tapos sabi niya, ‘you’re ignoring me’, tapos sabi ko, ‘no, asawa, ang dami lang ganap kasi ngaragan,’ sabi ko, ‘sorry, hindi kita nasagot agad’. Tapos sabi niya, ‘if you don’t want to see us du’n sa date natin, I would understand’, sabi niyang ganu’n.

“Sabi ko, ‘ay asawa, wala tayong ganu’n, no! Hindi ganu’n ang relasyon natin, no! Hindi naman tayo nagsisimula at natatapos sa trabaho. Hindi tayo ganu’n.’

“At saka, iba ang samahan namin kasi ni Kris. Iba ang love namin. Ever since, di ba, lagi ngang sinasabi na ako nagpapa-impluwensiya kay Kris, si Kris nagpapa-impluwensiya sa akin. No, hindi ganu’n. Hindi namin sinasaklawan ang isa’t isa sa lahat ng gusto naming gawin.

“Maraming pagkakataon na hindi kami nagkakasundo but we respect ‘yung mga differences naming dalawa. At saka, right niya ‘yun, ano? Sobra. Kung ako rin naman mabibigyan ng pagkakataon, bakit naman hindi? Gusto ko rin namang magkaroon ng kasamang iba. Mas maganda na marami tayong kaibigan,” paliwanag ni Vice.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with