^

Pang Movies

Bea hinanapan ng star sa Walk of Fame!

Vir Gonzales - Pang-masa
Bea hinanapan ng star sa Walk of Fame!

Bea Alonzo

MANILA, Philippines - May mga nagtatanong, bakit daw hanggang ngayon ay wala pa ang pangalan ni Bea Alonzo sa Walk of Fame?

Naunahan pa siya ni Liza Soberano at Bea Binene. Bakit nga ba hindi ito naitanong kay Federico Moreno, anak ni Kuya Germs na pumalit sa pangangasiwa ng Walk of Fame.

Vice hindi solo ang tagumpay

Maraming komento kaming nasagap mula sa mga tagahangang nakanood na ng pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin, ang Super Parental Guardians.

Base sa aming narinig, parang hindi nila matanggap na nag-iingay sa pasasalamat si Vice Ganda dahil sa laki nang kinita ng pelikula na ngayon ay umabot na sa mahigit na P250-M.

Totoong kumita ang movie pero hindi ibig sabihin nito na solo niya ang karangalan at tagumpay sa kita  dahil sa kanyang pagpapatawa.

Nariyan si Coco at ang dalawang child star na sina Xymon “Onyok” Pineda at McNeal “Awra” Briguela na paborito ng manonood at malaki rin ang naitulong sa serye ni Coco na ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Malakas ang hatak nila, who knows, baka sila ang pinuntahan para panoorin ng mga bata.

Nora ginawaran ng best actress sa probinsiya, na-tie ang baguhan

Pinagkaguluhan ang Superstar na si Nora Aunor noong bigyan siya ng parangal bilang Best Actress sa Urduja Film Festival sa Lingayen, Pangasinan.

Kamakailan ay napili ang pelikula ni Guy na Taklub at ka-tie niyang nanalo si Angeli Bayani. Okay lang na mag-tie ang dalawa at napupuri rin ni Guy si Angeli.

Sinabi nito na marami raw magagaling na baguhan na hindi lang napapansin tulad ni Angeli.

Sa nasabing event ay nabigyan din ng award ang director na si Brillante Mendoza bilang Best Heritage Director. Simple lang ang suot ni Guy pero lutang na lutang ang gandang Superstar.

May kwento nga si Lea Salonga, noong manood daw ng Miss Saigon si Nora sa London, pinagkaguluhan daw si Nora ng mga tagahanga pagkatapos ng show. Umalis na lang daw si Lea at iniwan si Guy dahil moment niya ‘yun.

May isa pang kwento, noong dumalaw raw si Nora sa California ay nagkita sila ng aktres na si Lolita Rodriguez. Tinanong daw ni Nora kung bakit hindi na umuuwi ng Pilipinas ang aktres, ang sabi raw ni Lolita ay maligaya na siya sa Amerika.

Noong sinabi nga raw ni Nora na kung pwede ba silang gumawa ng pelikula, agad daw sumagot si Lolita na sabihin lang daw nito kung kailan at uuwi siya agad ng Pilipinas.

Sayang, hindi na matutupad ang pangarap ni Guy dahil kinuha na ni Lord ang showbiz icon.

Baliuag dadayuhin ng mga artista

Sa December 11, susugod sa Baliuag Star Arena ang mga sikat na artista na inimbitahan ng butihing mayor na si Ferdie Estrella.

Paskung-Pasko na sa Baliuag at gusto itong masaksihan ng mga panauhing artista kabilang sina Rocco Nacino, Jomari Yllana, Jay Manalo, Joseph Bitangcol, Jeffrey Santos, Mike Magat, at iba pa.

Tampok din ang Viva child stars na sina Mikay at Kikay na magpe-perorm bago ang event. Si Edwin Bautista ng Baliuag tourism ang in charge sa naturang coming event. Ang lahat ay invited na panoorin ang mga dadayong bituin sa pelikula at telebisyon.

                             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with