^

Pang Movies

Fans nina Barbie, Angelica, Jennylyn, natameme sa ganda ni Liza

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Fans nina Barbie, Angelica, Jennylyn, natameme sa ganda ni Liza

Liza Soberano

Totoo ngang si Liza Soberano ang sinasabing ika-Eight Wonders of the Philippines nang dumalo ito sa matagumpay na 11th Eastwood Walk of Fame last Dec. 1, 2016 sa Libis, Quezon City.

Kahit pinalakpakan ang celebrities na nabigyan din ng star tulad nina Angelica Panganiban, Jennylyn Mercado, Shaina Magdayao, at Barbie Forteza, literal na dumagundong ang buong Eastwood City Central Plaza sa pagdating ni Liza.

Hindi lang mga bagets, babae, at beking fans ang nagtakbuhan sa palibot ng plaza kundi maging ang mga mhin na nakipagsiksikan nang tawagin na ang pangalan ni Liza.

Tameme ang grupo ng fans ni Barbie na may matching yell para sa aktres ng GMA-7. Nang pumasok na ang beauty ni Liza, talbog ang lahat maging ang ibang inductee na binigyan ng 5-point brass star granite block sa palibot ng Eastwood City.

Walang reklamo si Liza kahit magdamag niyang nginitian at kinawayan ang fans. Malamang na sinadya ni John Nite na host ng event na huling tawagin si Liza dahil sa pagdumog ng fans ng aktres sa plaza. Pasimpleng umupo si Liza sa likuran ng stage dahil sa ngalay nito sa pagtayo habang hinihintay na masilayan ang kanyang name na nakaukit sa pathway ng Libis.

Samantala, first time na wala ang presensya ni German “Kuya Germs” Moreno sa naturang event. Magkahalong saya at lungkot ang pakiramdam ng lahat lalo na si Federico Moreno, ang nag-iisang anak ni Kuya Germs na siyang tumuloy sa Walk of Fame project ng ama.

Hindi makapaniwala si Federico kung gaano kadugo ang proseso ng taunang Walk of Fame. Sinabi rin niya na lilipad papuntang U.S. ang kanilang pamilya sa Dec. 23 hanggang Jan. 10 para sa babang-luksa sa Master Showman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with