^

Pang Movies

Pumayag kaya? Angel napiling gumanap na may lupus!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Puwedeng artista si DIWA Representative Emmeline Aglipay-Villar kaya sa chikahan niya sa entertainment press, natanong siya kung sakaling gustong gawing movie ang love story nila ni Department of Public Works & Highways Secretary Mark Villar, sino ang gusto niyang gumanap sa kanya.  Wala raw siyang masyadong kilalang artista dahil hindi siya nakakapanood ng sine, pero gusto raw niya si Angel Locsin.  Eh, sino si Sec. Villar, pwede na raw si John Lloyd Cruz.

Sa kabila kasi ng busy work ni Rep. Emmeline, itinatag pa niya ang Hope for Lupus Foundation na ini-launch na niya noong Sunday, December 4 sa Cultural Center of the Philippines (CCP).  Ikinuwento ni Rep. Emmeline kung paano siya dumanas ng hirap nang dapuan siya ng sakit na Lupus o autoimmune disease wherein the immune system attacks healthy cells and tissues.  Matagal daw bago na-diagnose ang sakit niya pero ipinagpapasalamat niya ang suporta sa kanya ng mga mahal niya sa buhay, para malabanan niya ito.  Si Sec. Mark ang nagbigay ng malaking encouragement lalo na nang pakasalan siya nito kahit alam nilang pwedeng hindi na sila magka-anak.

Pero pinakinggan ng Diyos ang kanilang dasal dahil ngayon, may one year-old daughter na sila.  Lalong masigasig sa kanyang foundation si Rep. Emmeline dahil gusto niya talagang magkaroon ng isang Lupus-Free Philippines.  Sa lahat ng gustong tumulong, ipadala lamang ang inyong donations sa Bridging Lupus Fund for the benefit of indigent lupus patients sa Philippine General Hospital.

Mike nagpapaka-loyal!

Mananatiling Kapuso si Mike Tan, kahit eleven years na siyang nasa GMA 7 pagkatapos pa lamang niyang manalo sa Starstruck 2.  Hindi ba niya talaga naisip na umalis tulad ng ibang lumipat na sa ibang network, ilan ay mga kasama rin niya sa reality talent search?  Desisyon daw iyon ng mga dating kasama, dahil lahat ay naghahanap ng trabaho at kung sino ang makapagbibigay ng trabaho, doon sila pupunta.  Pero masaya raw siya na hindi niya kailangang lumipat dahil lagi naman siyang nabibigyan ng trabaho ng GMA 7

“Thankful ako kasi mahahaba naman ang contract na ibinibigay sa akin ng GMA kaya bakit ako lilipat kung may kontrata naman ako” sabi ni Mike.  “Naniniwala rin ako na hindi ako pababayaan ng GMA dahil na rin sa mga nagawa ko nang projects sa kanila, hindi ko naman sila binigo.”

Ten years na in a relationship si Mike with his non-showbiz girlfriend pero wala pa silang balak magpakasal dahil ayon sa actor inihahanda pa nila ang kanilang future. Kaya dito sa bago niyang afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos, na naghintay siyang ibigin ng minamahal niya, kaya ba niyang maghintay ng matagal hanggang sa ibigin siya nito? 

Sa totoong buhay daw, kung mahal mo raw talaga ang isang tao, maghihintay ka, kahit pa alam mong baka hindi magkaroon iyon ng katuparan.  Pero hindi raw naman nangyayari iyon sa kanya ngayon dahil mahal nila ng girlfriend niya ang isa’t isa at napag-usapan na nilang wala munang kasal dahil marami pa silang kailangang ihanda.

Sa Ika-6 Na Utos gagampanan ni Mike na best friend niya si Sunshine Dizon, in love siya rito at siya ang tumulong para magbago ang buhay nito. Napapanood na ang teleserye pagkatapos ng Eat Bulaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with