^

Pang Movies

Cong. Vilma isang kuwarto na ang natanggap na trophy!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cong. Vilma isang kuwarto na ang natanggap na trophy!

Congresswoman Vilma Santos

May natanggap na namang isang award si Congresswoman Vilma Santos bilang isang aktres. Iyon ay kabilang sa kanilang mga special award, dahil mahigit na isang taon na namang hindi gumagawa ng pelikula si Ate Vi. Bilang pagkilala daw iyon sa kanyang achievements sa showbusiness.

Pero ilan na bang lifetime achievement awards ang natanggap ni Ate Vi mula sa iba’t ibang award giving bodies? Kung iisipin mo nakuha na niyang lahat iyan.

Kung mapupuntahan ninyo ang bahay ni Ate Vi, may isang kuwarto roon na punung-puno na ng lahat ng mga tropeong kanyang natanggap bilang isang aktres. Ngayon nadadagdag pa roon ang mga pagkilala sa kanya bilang isang public servant. Para maisingit doon ang kanyang bagong tropeo, sigurado, may isang bahagi na kailangan na niyang siksikin. Kung magpapatuloy ang ganyang pagbibigay sa kanya ng mga award, baka kailangan na niyang magpagawa ng extension ng kanyang bahay para may mapaglagyan pa siya ng mga tropeo, dahil kung hindi ay baka naman magmukhang junk shop na ang kuwartong iyon na siyang depository niya ng lahat ng kanyang parangal.

Pero para sa isang artista, talagang never ending ang awards. At least si Ate Vi, hindi siya kagaya ng iba na trying hard na makakuha ng award tapos nasisilat naman.

Ang kaibahan ni Ate Vi, sinasabi niyang ginagawa niya ng mahusay ang lahat ng kanyang mga pelikula dahil ang talagang goal niya ay masiyahan ang lahat ng nanonood sa kanya. Iyong mga award niya sa acting, bonus na lang.

Hindi siya kagaya ng iba na gumagawa ng pelikula para manalo ng awards, na hindi naman nagugustuhan ng masa kaya hindi kumikita. Kawawa ang mga producer ng mga pelikulang iyon.

Natutuwa rin si Ate Vi na ang mga pelikula niya ay nadadala rin sa mga festival sa ibang bansa, pero hindi naman siya nag-aambisyon na manalo pa roon. Wala na nga naman siyang paglalagyan ng trophy.

Sharon mas bagay kay Robin

May survey pa raw na ginagawa para malaman kung sino ang magiging leading man ni Sharon Cuneta sa kanyang comeback movie. Iyan ang kanyang unang pelikula matapos ang pitong taong walang ginagawang pelikula. Matagal na iyang survey na iyan. Baka ang survey ang siya pang maging dahilan para hindi matuloy ang shooting niya sa susunod na buwan.

Kung ang fans ang tatanungin, dalawang actor lamang ang pinag-uusapan diyan, sina Gabby Concepcion at Richard Gomez.

Si Goma, mukhang malabo na dahil sa kanyang trabaho bilang mayor ng Ormoc. Si Gabby naman, busy ngayon sa mga proyekto niya sa GMA 7.

Siguro kung romantic comedy, at ito ay sinasabi namin kung talagang si Sharon ang bida ha, hindi iyong lalabas lamang siyang support sa isang mas batang love team, baka puwede si Robin Padilla.

Male starlet ibinuko ang kasama sa search na nagsasa-side line

Nag-react ang subject ng isang blind item namin noong isang araw. Pinasabi niya sa isang kaibigan, “sabihin mo hindi lang ako ang nagsa-sideline sa mga sumali sa talent search na iyon. Ganoon din iyong iba, maski na iyong mga winner”.

Aba, marami pa pala kaming dapat tuklasin. Pero at least hindi niya nagawang i-deny ang kanyang “sideline” dahil kung sinabi niyang hindi totoo, baka may lumabas pang mas maraming ebidensiya, lalo na ang mga pictures nila doon sa isang “private room”.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with