^

Pang Movies

Jake pinaringgan?! Andi super iyak nang manalong best actress

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jake pinaringgan?! Andi super iyak nang manalong best actress

Andi Eigenmann

Cry me a river si Andi Eigenmann nang manalo siya ng best actress sa trophy sa FAMAS Awards Night noong Linggo. Nag-emote si Andi na hindi nito inaasahan na mananalo  at malaking karangalan na siya ang may-I-take home ng best actress trophy.

Kinontra ni Andi ang pralala ng award presenter na si Rey Langit na susundan niya ang yapak ng kanyang idol na si Vilma Santos.

Ang sey ni Andi, nakalimutan ni Rey na banggitin ang name ng best actress niya, ang kanyang madir na si Jaclyn Jose.

Idinagdag pa ng best actress winner na maging inspirasyon sana siya ng mga kababaihan na biktima ng pang-aabuso, ang mga babae na broken.

Ang feeling ng malisyosang audience, pinatatamaan ni Andi si Jake Ejercito, ang fadir ng kanyang anak na si Ellie.

In fairness kay Andi, rape victim ang role niya sa Angela Markado at ito  ang nagpanalo sa  kanya ng best actress award sa FAMAS.

Ang pagiging rape victim ni Angela na natuto na lumaban ang pang-aabuso na tinukoy ni Andi sa speech niya, hindi ang experience niya kay Jake noong mag-dyowa sila dahil hindi naman siya battered girlfriend.

Happy si  Andi dahil pareho sila ni Jaclyn na nanalo ng acting award ngayong 2016. Ang nanay niya ang best actress awardee ng Cannes 2016 at siya naman ang pinakamahusay na aktres ng FAMAS.

Aktres na ang lakas ng loob na mag-backless, tadtad ng butlig ang likod at braso

Nakatikim ng panglalait ang aktres na rumampa sa FAMAS Awards dahil malakas ang loob niya na mag-suot ng backless gown kaya kitang-kita ang mga “ tsismis”  sa likod at braso niya.

Ang sangkatutak na butlig sa braso at likod ng aktres ang na-sight ng source ko.

Hindi makinis ang balat ng aktres na kailangan ang tulong ni Dra. Vicki Belo.  Magdurusa raw ang sinuman na magba-body scrub sa aktres dahil sa rami ng tsismis sa kanyang katawan.

GaLor fans nagbubunyi

Rejoicing ang GaLor fans dahil parehong nanalo sa FAMAS Awards ang kanilang mga idol.

The who ang GaLor fans? Sila ang loyal and avid supporters ng tandem nina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino.

Nabuo ang GaLor nang magtambal sina Gabby at Lorna sa isang hit teleserye ng ABS-CBN.

Nag-win sina LT at Gabby para sa performance nila sa Crazy Beautiful You, ang Star Cinema movie na pinagbidahan ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Necro para kay Bibsy naging masaya dahil sa kanyang lovelife

Hindi na ako nakapunta sa necrological service para sa best­friend ko na si Bibsy Carballo pero sure ako na maiintindihan niya na hindi ako nagpupuyat.

Ginanap sa Pinaglabanan Church noong Linggo ang necrological service na dinaluhan ng malalapit na kaibigan at mga dating talent ni Bibsy.

May nagkuwento sa akin na imbes na maging malungkot, masaya at puno ng tawanan ang necrological service dahil napag-usapan ang makulay na lovelife ni Bibsy.

Siyempre, off-the-record ang mga kuwento bilang respeto kay Bibsy na inihatid kahapon sa huling hantungan ang kanyang cremated remains.

Parade tuloy na raw talaga

Tuloy ang Parade of Stars ng 2016 Metro Manila Film Festival sa December 23 at ayon ito sa mga insider.

Kumalat kasi ang balita na walang magaganap na Parade of Stars kaya na-sad ang fans na nasanay nang dumarayo, taon-taon, sa Roxas Boulevard para makita ang favorite stars nila.

Ang latest news, mangyayari pa rin ang parada ng mga artista dahil ito ang final decision  ng executive committee ng MMFF.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with