^

Pang Movies

Bumawi sa asawa Kris nakinood ng sine ni Vice

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bumawi sa asawa Kris nakinood ng sine ni Vice

Vice Ganda at Kris Aquino

Pagkatapos ni Maine Mendoza, ang asawa naman niyang si Vice Ganda ang sinamahan ni Kris Aquino na manood ng pelikulang The Super Parental Guardians kahapon para sa kanyang digital show.

Kasama ni Kris ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby nang mag-reunion sila ni Vice.

Ang tanong ng fans, sino kaya ang susunod na sasamahan ni Kris na manood ng movie?

Ang hula ng iba, si Richard Yap dahil magbubukas na sa mga sinehan sa December 14 ang Mano Po 7: Chinoy na laglag din sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival (MMFF) tulad ng The Super Parental Guardians and Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Anyway, maging sa pelikula ay walang ibinabalita si Kris kung kailan uli siya aarte sa big screen.

Dati ay nagbabakbakan sa box office ang pelikula nila ni Vice.

Baron dapat nang lubayan

Baron Geis­ler

Dapat na sigurong lubayan si Baron Geis­ler. Choice naman niya ang ginawa niya at alam naman ang mangyayari pero ginawa pa rin niya kaya hayaan na natin siya. Besides, matanda na siya, lampas pa sa tamang edad.

Karamihan sa mga artista sa kasalukuyan ay hindi na siya puwedeng makatrabaho dahil alaga ng mga miyembro ng samahan ng mga talent manager na PAMI na nag­desisyong i-ban siya sa lahat ng project ng kanilang mga alaga.

Kaugnay pa rin ang isyu sa pang-iihi niya sa mukha ni Ping Medina sa isang eksena indie mo­vie na Bubog na dinirek ni Arlyn dela Cruz na banned din sa mga alaga ng PAMI.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with