Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Luis at Jessy, nakikinita na ang church wedding

Luis at Jessy

Kahit na hindi na nagde-deny sila Luis Manzano at Jessy Mendiola na sila na at mayroon na silang close bonding, hindi pa nila napag-uusapan ang kasal.

Basta may plano sila na sa tamang panahon, haharap sila sa altar sa isang church wedding. At may blessing na sila ng mga magulang nila. Lalo na si Luis dahil sa totoo lang, nararamdaman na raw ni Luis na gusto ng nanay niya na si Congresswoman Vilma Santos-Recto na magkaroon ng apo.

Ilang beses na siyang tinanong ni Ate Vi kung kailan siya mag-aasawa. Tumatawa lang daw siya at sinabing mauuna na muna ang bunsong kapatid na si Ryan. Pero buo na sa loob ni Luis na si Jessy na ang last woman sa buhay niya.

Tinanong namin ang maga­ling na TV-host ng mga comparison ng mga ex girlfriend, si Jessy puro maganda, mabait at marami pang mga bagay para mahalin, ibigin, at ilagay sa pedestal. Hangang doon na lang daw dahil masyado nang unethical na pag-usapan at ikumpara sila sa isa’t isa. Korak!

Indie malabong pasukin ng mga bata sa Pasko

Ang saya-saya ng mga producer at artista ng mga pelikulang hindi naisali sa ginawang bunutan para sa Metro Manila Film Festival 2016.

Noong una ay masama ang loob nila dahil hindi sila napili. Sila pa naman ang mga pelikulang ika nga ay pambata. Dahil taun-taon, basta magde-December na ay naghahanda na ang mga producer ng kanilang pelikula para sa mga bata.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Noon ay movies nina Vic Sotto, Dolphy, Mother Lily, ang pumanaw na si Da King Fernando Poe Jr. (FPJ) at iba pang mga comedian-action movies ang napapanood sa nasabing filmfest.

Walang indie movies at walang bold movies, kaya nang hindi napili ng filmfest committee ang mga entry na pambata, maraming nalungkot, ano raw ang nangyari at bakit karamihan ng ipapalabas sa filmfest ngayong December ay pawang indie. Papayagan ba ang mga bata na manood ng ganitong pelikula?

Anyway, karamihan sa mga indie movies ay  maganda, magaling ang direktor, ok ang artista, pero okey ba sa paningin ng mga minors, waley!

Ganun pa man, para tuloy napaaaga ang filmfest ng mga bata dahil ang mga movies na hindi nakalusot ay ngayong November 30 na mapapanood. ‘Yun na!

Bini-build up na young actress, maraming kamot na parang nanganak na!

Hindi porket may kalmot sa tiyan o kaya sa itaas ng singit ay nagbuntis na ang isang babae. Tsismis ng isang tsuffatid, may mga ganoong kamot daw ang isang young actress na pinasisikat.

‘Pag buntis kasi ay laging makati ang tiyan kaya nakakamot, e kung tutuusin may dalaga na hindi buntis pero may mga ganoon at ang kamot sa parteng ‘yan ay dahil sa garter ng panty o pantalon.

Kaya lang kapag nakamot mo na, dapat ay wala na ang kati at marka ng kamot. ‘Yun daw sa girl ay parang forever, na kahit maligo ay hindi raw naaalis.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: