Tindahan ng ukay-ukay sinalpok ng trak: 9 sugatan
October 31, 2016 | 12:00am
MANILA, Philippines – Nasugatan ang siyam katao matapos na salpukin ng isang truck ang tindahan ng ukay-ukay kahapon sa Barangay Sangali, Zamboanga City.
Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong ala-1:00 ng hapon ay nawalan umano ng preno ang minamanehong truck ni Vilmor Aramal, 27 hanggang napunta sa gilid ng kalsada at bumangga sa tindahan ng ukay-ukay na kung saan ay nasa loob ang mga biktima na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Nasa kustodiya naman ngayon ang driver ng truck na nakahandang sampahan ng kaso.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended