^

Pang Movies

Joyce relax na relax sa love scenes nila ni Kristoffer

- Nora Calderon - Pang-masa

Huhusgahan na ngayong hapon sa GMA-7 afternoon prime drama ang isang naiibang love story na magtatampok sa tatlo sa pinakamahuhusay na actor ng kanilang panahon, sina Eula Valdez, Ariel Ri­vera at Snooky Serna, sa Hahamakin Ang Lahat. Tungkol ito sa love story ng isang ina at ang kanyang anak na pareho ang kapalaran na hindi nila nakasama ang tunay na mahal dahil sa mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay kung saan hindi aprubado ang mga ito ng kanilang pamilya.

But more sa tatlong malalaking artista, kaabang-abang din ang love team nina Joyce Ching at Kristoffer Martin. Nagsimula silang dala­wa na mag-sweetheart pero mas binigyan nila ng prio­rity ang studies kaya naging good friends na lang sila. Pero ngayon na mas mature na ang kanilang role, nakatulong ba na naging sila noon?

“Yes po,” sagot ni Joyce. “Ang laki pong tulong lalo na sa akin. Wala na kaming ilangan ni Kristoffer sa mga love scene at kissing scenes. Kahit po iyong mga dramatic moments namin, nagkakatulungan pa rin kami ni Tupe. Siguro po iba talaga kapag mga friends na kayo, kilala na ninyo ang isa’t isa.”

“Ever since po naman na naging kami ni Joyce, hindi po talaga nawala ang love and care with each other. At nakakatuwa na hindi po kami pinabayaan ng GMA na tuwing may project na bagay sa amin, love story man o comedy, kami pa rin ang pinagtatambal kaya dito po sa Hahamakin Ang Lahat, labis-labis ang pasasalamat namin ni Joyce sa kanila at sa mga kasama namin sa cast.  Salamat din po kay Direk Don Michael Perez dahil muli namin siyang naging director.”

Nasa cast din sina Thea Tolentino, Chinggoy Alonzo, Mark Abaya, Jet Pangan, Marina Benipayo, Renz Valerio, Mona Louise Rey at mapapanood na ito mamaya pagkatapos ng Oh, My Mama.

Alden at Maine nagha-honeymoon na sa London

May tweet kaming natanggap mula sa AldenUN_UK in London at nagtatnong kung natuloy daw bang umalis ang ‘honeymooners’ na sina Alden Richards at Maine Mendoza tulad ng binanggit nila sa kalyeserye ng Eat Bulaga dahil ang daming fans na naghintay sa Heathrow Airport na makita ang dalawa.  Any day now, pwedeng nasa London na ang dalawa, enjoying each other’s company. Ilang araw lamang naman kasi ang ibinigay na bakasyon sa dalawa, bale four days days, two days sa London at two days sa Germany.

DongYan at Baby Zia pa-Spain

Ayaw ni Dingdong Dantes na bitin ang Christmas vacation nila nina Marian at Baby Zia sa Spain, para dalawin ang family ni Marian doon, kaya minabuti nilang tapusin na muna ni Kapuso Primetime King ang taping ng top-rating action-drama series niyang Alyas Robin Hood. 

Kung dati ay naka-schedule ito hanggang December airing pero dahil sa mataas na rating nito, mukhang tatawid pa sila hanggang early 2017 at sigu­ro ay aalis sila bago naman magsimulang mag-taping si Marian ng bago niyang teleserye sa GMA-7.

Ang nakakatuwa pa kay Ding­dong, nagustuhan daw ng tele­viewers ang hoodie na ginagamit niya bilang si Alyas Robin Hood sa story at marami na raw ngayon ang nagtatanong sa kanya kung saan sila makakabili ng ganoong hoodie, lalo raw ngayon na papa­lamig na ang panahon dahil malapit na ang Pasko.

vuukle comment

JOYCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with