^

Police Metro

2 Sayyaf napatay sa engkwentro

STARTALK - Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang mi­yembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga militar sa Indanan, Sulu.

Batay sa ulat, bago nangyari ang bakbakan dakong alas-6:45 ng umaga ay nagsumbong ang mga residente sa lugar ukol sa nakita nilang presensiya ng armadong grupo.

Rumesponde ang  elite troops ng 11th Scout Ranger Company at naabutan ang walong armadong kalalakihan na humantong sa putukan, na ikinasawi ng dalawa.

Nasamsam ng mga sundalo ang isang M16 assault rifle na may nakakabit na M203 grenade launcher at isang Improvised Explosive Device (IED).

Naniniwala ang otoridad na nagkahiwalay hiwalay na ang ASG sa maliit na grupo para makaiwas sa mga sundalo at nagtanim ng mga IEDs para maantala ang galaw ng tropa ng pamahalaan.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with