^

Punto Mo

Carabao Man (163)

YSTAR - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPANGITI si JP nang mapag-isa na sila ni Maricel sa hospital room. May kapilyuhang naisip.

“Ituloy na natin ang ginagawa kanina. Nabitin di ba?’’

“Hoy sumusobra ka na, Carabao Man.’’

“Kasi’y sabik na sabik ako sa’yo, Maricel.’’

“Masakit pa ang bisig mo. Hindi pa bahaw ang sugat. Baka maimpeksiyon yan.’’

“Ano naman ang kaugnayan ng bisig ko sa gagawin natin. Parang ang layo.’’

“Basta hindi puwede. Kapag kasal na tayo.’’

“Baka puwedeng advance?’’

Napahagikgik lang si Maricel.

“Ano Maricel, puwedeng advance?’’

“Hindi puwede. Kulit mo Carabao Man.’’

“Kasi nga’y matagal kang na-miss ni Carabao Man.’’

“Kapag kasal na tayo saka manggigil okey?’’

Saka lang natahimik si JP.

Iniba na nito ang usapan.

“Paggaling ng sugat ko, uuwi na ako sa probinsiya para masabi kina Itay at Inay ang balak natin.’’

“Sasama ako sa pagtungo mo sa probinsiya. Hindi kita hahayaang bumiyahe nang nag-iisa.’’

“Saan mo ba balak na magpakasal, dito o sa probinsiya?’’

“Siyempre sa probinsiya. Noon pa pangarap ko nang sa lumang simbahan sa ating probinsiya magpapakasal.’’

“Yung simbahan na malapit sa ating school na pinagradweytan?’’

“Oo. ‘Yun lang naman ang lumang simbahan dun di ba?’’

“Tapos saan ang reception?’’

“Ikaw ang pumili JP. Baka mayroon kang alam.’’
“E di sa nabili kong lupa na ayon kay Itay ay pinatayuan niya nang isang malaking bahay na style bahay kubo at sa paligid ay maraming punong namumunga. Mayroon din doong falls na nilagyan niya sa paligid ng mga dampa. Napakaganda raw sabi ni Itay. Hindi ko pa lang napupuntahan dahil wala pa ako sa mood. Kalalabas ko lang kasi sa rehab nun at isa pa, iniisip ko rin kung tatanggapin mo pa ako. Problemado talaga ako nun.’’

“Ganun ba? E di dun na nga natin gawin ang reception. Kasya ba kahit maraming tao ang guest?’’

“Oo naman. Limang ektarya ang lupa. Napa-ganda raw ng klima roon. Kasi nga maraming puno --- mangga, lansones, saging, at iba pa.’’

“Ay ang ganda nga! Sige JP, lalo akong na-excite. Pag-uwi natin, puntahan natin ang pagdarausan ng ating reception.’’

“Okey. Puwede na siguro next week ano?’’

“Itatanong natin sa doctor mo.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

CARABAO MAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with