^

Pang Movies

Richard sinusubukan kung papatok sa pagho-host

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Co-manage ng Viva Artists Agency at ni Annabelle Rama si Richard Gutierrez, kaya naman si Boss Vic del Rosario, tina-try rin sa hosting sa mga beauty pageant ang actor/TV host.
Ilang show na rin naman sa GMA 7 ang in-host noon ni Richard kasama na ang dalawang season ng Survivor Philippines, noong exclusive contract star pa siya ng Kapuso network.

Ang Viva ang presenter ngayong taon ng Miss World Philippines 2016 na ang coro­nation night ay gaganapin mamayang 7:00pm sa Manila Hotel at may delayed telecast ng 10:00pm sa SNBO ng GMA 7 at dahil sa positive feedback ng pagho-host ni Richard sa Mutya ng Pilipinas 2016 Coronation Night, naisipan ni Boss Vic na ang lovey-dovey na rin ni Sarah Lahbati ang gawing host ng coronation night mamaya ng Miss World Philippines.

Nang mabalitaan ng loyal fans ni Richard na siya nga ang host ng coronation night ng Miss World Philippines, tuwang-tuwa sila at doble pa ang kasiyahan nila nang malamang sa Kapuso network ang delayed telecast ng nasabing beauty pageant.

Dapat ay host din sa nasabing beauty pageant si Ruffa Gutierrez, pero magdya-judge ang actress/TV sa Mr. Gay World Philippines 2016 at nauna silang makapag-commit doon.

Anyway, abalang-abala na ngayon si Ruffa sa nalalapit na launch ng kanyang book under ABS-CBN Publishing.

Nabasa na namin ang ilang parte ng librong ‘yon at naloka kami dahil tiyak na pag-uusalan ‘yon.
Sabi nga namin kay Ruffa, baka malampasan ng libro niya ang benta ng ‘Day, Hard! ng kanyang nanay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with