^

Pang Movies

Jennylyn maraming sinabi sa mga naging lalaki!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung marami sa mga babae ay kinakarir ang pagpapapayat, hindi si Jennylyn Mercado. No wonder na lalo siyang naging sexy at mas beauty dahil medyo nagka-flesh siya ‘di tulad nang dati na pinapansin ang kanyang kapayatan.

“Huminto muna akong mag-triathon para magpataba naman ako,” kuwento ni Jennylyn nang mag-guest siya sa Sarap Diva ni Regine Velasquez-Alcasid kahapon.  “Kahit kasi ako, parang hindi na nagandahan sa sobrang payat ko. Konti lamang naman ang dapat kong idagdag sa weight ko.”

Nakakatuwa ang mga reak­syon ni Jennylyn nang magpakita si Regine ng pictures ng mga lalaki na naka-partner niya sa movie/ TV at nagkaroon din siya ng relasyon.

Si Mark Herras: “masaya ako sa kanya dahil nakakuha na rin siya sa wakas ng babaeng tunay na mamahalin, tuwang-tuwa ako sa love nilang dalawa (Winwyn Marquez) sa isa’t isa.

Si Patrick Garcia: “ay, ang tagal na nating hindi nagkikita. Happy na siya with his family.”  

Si John Lloyd Cruz: “ay, noong bata-bata ako, paborito ko si Aga Muhlach, pero later si John Lloyd na, noong first project namin, iyong first few days of shooting, hindi ako talaga naka-get over, starstruck ako sa kanya”.

Si Derrick Ramsay: “Ay, okey na okey siya, kahit anong ipagawa mo sa kanya, gagawin niya.” 

Si Luis Manzano: “Matagal na kaming hindi nagkikita, pero mabait siyang kaibigan.” 

Ang huling picture, si Dennis Trillo: “huwag kang mag-alaala, ikaw ang pinakagwapo sa kanila.”

Bukod sa pagho-host ng Superstar Duet every Saturday, busy si Jen sa pagpu-promote ng new album niya sa Ivory Records, ang Ultimate.                 

Marian at Alden may iniwan!

Parehong wala pa sa bansa ang dalawa sa mga host ng Sunday PinaSaya.

Si Marian Rivera-Dantes ay nasa US vacation pa kasama ang husband na si Dingdong Dantes at ng unica hija nilang si Baby Letizia. Si Alden Richards ay busy sa kanyang concert abroad, pero hindi sila mami-miss ng fans dahil nag-iwan sila ng tape ng kani-kanilang segment sa show.

Mamayang gabi pa ang At Last London concert ni Alden sa Troxy Theatre in London, pero mapapanood siya sa segment.

Derrick nag-tsuper ng jeep, Bea nagtawag ng pasahero

Totoo pala iyong nakita naming nagmamaneho ng pampasaherong jeep si Derrick Monasterio at barker naman o iyong nagtatawag ng pasahero si Bea Binene.  Nag-emersion daw sila sa kani-kanilang role, para malaman nila kung paano gampanan ang bagong characters sa bagong programang malapit nang mapanood sa afternoon prime ng GMA7.

Pero kasama sa bagong show nila ang excitement at pressure dahil first time nilang makakasama sa romantic-comedy series sina Gabby Concepcion, Alma Moreno at Michael V.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with