^

Pang Movies

KC tinatago ang BF kay Gabby?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

May threat nga ba, Salve A., si Sharon Cuneta sa panganay na anak na si KC Concepcion, na bigyan na siya nito ng apo? Dahil, kung hindi daw, baka naisin niyang magkaanak muli sa edad na 50.

Yes, 50 years old na si Sharon noong kanyang birthday last Jan­uary 6.

Kung sabagay, kasal na lang, kung tutuusin, ang kulang kina KC at kasalukuyang boyfriend niya, ang sportsman na si Aly Borromeo.

Boto sina Sharon and Senator Francis Pangilinan, Sharon’s husband and KC’s stepdad, kung ikakasal na nga sina Aly at KC.

Pero how true na hindi pa raw nami-meet ng real-life dad ni KC na si Gabby Concepcion si Aly?

Sam mas priority ang football player na bf kesa sa career

Nasa sports din pala ang boyfriend ni Sam Pinto na si Misagh Bahadoran.

Filipino-Persian si Misagh at kasama sa football team ng Askalz. Dentist din siya by profession.

Si Sam naman ay student ng Fashion Designing, nang sumali siya sa Pinoy Big Brother (PBB) Double Up.

Hindi man siya nanalo, nagsilbi naman itong tulay para makilala siya.

Viva Entertainment contact talent si Sam pero lately ay hindi siya masyadong napapanood sa TV o sa big screen.

Of when she and Misagh will get married, they said eight months pa lamang silang nagiging close sa isa’t isa. So hintayin muna natin silang mas makilala ang isa’t isa.

Paul at Kaye single pa rin

Samantala, ang former PBB talent na si Paul Jake Castillo na nag-announce nang ikakasal na siya at ang kanyang fellow Kapamilya na si Kaye Abad ay single pa rin.

Hindi dahil naghiwalay sila dahil truly in love sa isa’t isa sina Paul at Kaye. Kaya may kasal na mang­yayari.

Nabalitaan naming nasa premiere screening ng Ang Babaeng Humayo (The Women Who Left) si Kaye sa UP Center Cinema 2 last week.

Nag-congratulate pa raw ito sa brilliant perfor­mance ni Charo Santos-Concio, (na siyang bida sa pelikula).

James nakikipag-break na kay Nadine!

Sa October 11, mamarkahan na nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang eight monthsary bilang mag-sweethearts.

They became a spicy twosomes last February 11 habang nasa JaDine In Love concert sa Araneta Coliseum.

Simula noon, wala pang away na nababalita sa dalawa. Konting tampuhan lang, na madali kapwa nilang maresolba.

Which is kaiba sa roles na ginagampanan nila sa kanilang ongoing series together na Till I Met You. This time, seryosong nakikipag-break-up kay James as Baste si Iris (Nadine), dahil sa pakikisama ni Nadine sa kanyang ina, na dating karelasyon ng ama ni Baste (played by Carmina Villaroel).

Si Zoren Legaspi naman ang gumaganap na ama ni Baste.

Sina Direk Antoinette Jadaone at Andoy Ranay ang namamahala ng series, which Deo Fajardo’s Dreamscape Entertainment Tele­vision Production is producing.

Mga anak ni Lotlot at Monching, kanya-kanyang buhay na

Wala nang dapat ikabahala ang estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher sa future ng kanilang apat na anak.

Ang kanilang panganay na si Janine (Gutierrez), na graduate ng European languages sa Ateneo de Manila College University, ay isa ring important contract talent ng GMA 7.

Stable na ang income ni Janine kaya naman mag-isa na siyang naninirahan sa isang sosyal na condo unit.

Jessica, the second daughter, works bilang marketing associate ng Ayala Malls. Diego, the only boy, is studying at the University of Asia and the Pacific.

Ang bunso ay si Maxine ay 16 years old at nasa high school sa Saint Pedro Poveda College.

Lotlot and Monching are themselves busy with showbiz assignments.

Kararating lang ni Lotlot galing sa All Lights India International Film Festival (ALIIFF) 2016, kung saan tumanggap siya ng special acting citation for her performance sa indie movie na 1st Term.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with