^

Pang Movies

Heart pwedeng mabuntis kahit kailan, walang problema sa mga itlog

- Vinia Vivar - Pang-masa

May naririnig si Heart Evangelista na gagawin daw sitcom ang katatapos lang na rom-com series nila ni Dennis Trillo sa GMA 7 na Juan Happy Love Story at kung matutuloy, ngayon pa lang ay nai-excite na siya.

“May mga tsismis, pero hindi pa naman sure. Pero sana, sure, kasi gusto ko ‘yun,” sey ni Heart.

Ayon sa aktres ay hindi pa raw kino-confirm sa kanya ng GMA-7, “but that’s such a good idea,” she said.

Kahit nga raw asawa niyang si Sen. Chiz Escudero ay napansin noon pa na pwedeng gawing sitcom ang nasabing serye.

“Sabi niya (Chiz), ‘alam mo, ‘yung story ng Juan Happy Love, parang pangmatagalan. Sayang that it has ended. It should be a sitcom’. Tapos, parang may narinig kami, ganyan.

“It makes sense to make it a sitcom. I like it. Kasi later on, if I decided to get pregnant, I could still work,” sey niya.

Parang tulad nga rin ni Toni Gonzaga sa Home Sweetie Home na sitcom nila ni John Lloyd Cruz, ganu’n din daw ang gusto niyang mangyari.

Speaking of pregnancy, all set na rin talaga si Heart na magka-baby next year. Pero kahit aksidenteng mabuntis siya ngayon (na aniya ay hindi naman daw talaga mangyayari), naka-ready siya.

“Right now, I have a meal plan, I have a nutritionist, so in case I get pregnant, I have. . .parang kung baga, you’re eating for 2, but you’re eating the right food, not excessive eating, hindi ka tataba. It’s just for you and for your baby, so may mga ganu’n na. So it’s not really so much of my problem kasi there are ways to do it.”

Pero aminado siyang medyo scared siya na manganak dahil takot siya sa karayom.

“Takot ako sa needle, takot ako sa lahat. Tinanggalan nga ako ng appendicitis, nag-commotion pa ako sa Makati Med, nahiya ako, sigaw ako nang sigaw talaga,” kwento niya.

“Maybe kaya may nine months (pregnancy) to prepare you,” dugtong pa niya.

Heart is 31 now at kahit marami ang nagsasabi na baka mahirapan na siyang mabuntis, ang example niya ay ang kanyang mommy ipinagbuntis siya when she was 36 or 37.

“According to the doctor, I’m very like my mom. I can (get pregnant) anytime I want, according to my tests. I’m good anytime. It’s not a problem, my egg counts,” saad pa ng aktres.

Yassi pumiyok sa pagkakadawit ng kapatid sa hiwalayang Gab at Tricia

“Ay naku, naloka lang po ako du’n,” sagot ni Yassi Pressman nang matanong sa kanya kung ano ang reaksyon niya sa pagkakadawit ng pangalan ng younger sister niyang si Issa Pressman sa hiwalayang Gab Valenciano at Tricia Centenera.

“Wala pong katotohanan (ang isyung si Issa ang third party). Kami po ni Gab ang magkaibigan at isang beses lang po silang (Issa and Gab) nagkakilala. Wala na pong iba.”

Kung nagulat siya ay mas lalo raw nagulat si Issa sa issue.

“Ako nga po ‘yung kaibigan ni Gab, eh, at saka si Keana (Valenciano, younger sister ni Gab), kaibigan ko rin,” sey pa ng current leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probin­syano.

Dahil wala ngang katotohanan, dinedma na lang daw nila ang issue.

Mga Probinsyano, present sa concert

Lahat ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ay dadalo sa first anniversary concert ng show na magaganap sa Araneta Coliseum ngayong October 8. Magmula sa bidang si Coco at Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, Arjo Atayde, Albert Martinez, child stars Xymon “Onyok” Pineda and McNeal “Awra” Briguela, John Prats, Jaime Fabregas, Eddie, Garcia, Pepe Herrera and Agot Isidro. Kahit ang mga dating leading ladies na sina Maja Salvador and Bela Padilla ay dadalo rin. Lahat sila ay personal na maghahatid ng taos-pusong pasasalamat para sa  walang sawang suporta ng mga manonood.

Natanong nga si Tita Susan kung ano ang gagawin niya sa concert at natawa ang biyuda ni Fernando Poe, Jr.

Nagbiro siyang kakanta pero natatawa niyang bawi, “Nang magsabog ng magandang mga tinig ang Panginoong Diyos, nakatikom ang bibig ko. Kaya hindi ko linya ang pag-awit.

“Basta lahat kami ay pupunta para makisaya at magpasalamat sa isang taon na namin.”

Natanong din si Coco kung ano ba talaga rin ang gagawin niya sa concert at aniya ay hindi pa rin niya alam.

“Honestly po, hindi pa po namin nadi-discuss kasi binubuo pa lang ng Dreamscape kung ano talaga ang magiging kabuuan ng general concept ng show.

“Pero ang na-confirm lang po namin talaga, lahat po ng magge-guest, binubuo po ng creative kung paano mapapasaya ang mga tao,” he said.

Well, marami ang humihiling na makitang magsayaw sina Maja at Coco at sana’y mapagbigyan nila ito.

Anyway, para makakuha ng libreng tickets sa FPJAP anniversary concert, pumunta lamang sa ABS-CBN Center Road ngayong araw na ito (Sunday, October 2) mula 1pm hanggang  7pm.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with